"Nasan si Chelsea?" Tanong ni Lucas. Napuna nito na wala na si Chelsea sa loob. Kakabalik niya lang sa rest house at nadatnan si Sabrina na naka-upo sa sofa at nanunuod lang ng Tv. "Maagang umalis." Sagot niya. Tumango lang si Lucas. Umupo siya sa tabi nito. Namutawi ang napakahabang katahimikan bago naisipang magsalita ni Sabrina. "Tatlong araw na tayo rito. Pero hindi parin natin napagplanuhan ang tungkol sa surprise birthday ni Zeo." Giit niya. "Surprise pa ba yun?" Tanong nito. Agad siyang nag-isip. Alam na naman ni Zeo na e su-surprise siya pero hindi niya alam kung anong surprise ang ihahanda nila. "Well, hindi na. Pero yun naman kasi ang ipinunta natin dito diba?" Tinitigan siya ni Lucas. Maamo ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Ilang segundo niya ring tinitigan ang lalak

