"Gusto kong mag swimming." Nakatayo siya ngayon sa harap ni Lucas. Nanonoud lang ito ng palabas sa Tv bago niya naisipang lapitan ito. "Mamaya na." Sagot nito sa kanya. "Gusto ko ngayon. Tingnan mo hindi pa mainit sa labas. Maganda magtampisaw kapag ganun." Tugon niya uli sa lalaki. He crossed his arms. Ang tigas rin ng ulo ng babaeng to! "Ang sabi ko mamaya na nga diba?" Manginis-nginis niyang turan sa babae. Dahil sa inis ni Sabrina, naupo nalang siya sa tabi ng lalaki. Ang higpit nito sa kanya, samantalang hindi niya naman ito asawa. "Bakit hindi mo nalang ako payagan?" "Because I don't want to." Aniya "Sige na please." Hinawakan niya ang braso ni Lucas. Nagmamakaawa siya rito. Inip na inip na siya sa loob ng rest house. Gusto niya ng lumabas. Bumuntong-hininga nalang ito. "Fi

