Napako ang tingin niya sa leeg ni Charlotte. Kinabahan siya. That necklace was from Vivien before. Bigay ito sa kanya ni Lucas nung first anniversary nila na agad naman nitong binawi nung hiwalayan siya nito. Paanong na kay Charlotte ito? Kinakabahan man ay pinawi niya iyon at tinanong ang kaibigan. "Where did you get that?" Aniya sa kaibigan. "Ang alin?" Tanong rin nito dahil hindi nito magets ang tanong niya. "Yang kwentas!" Turo nito sa suot na kwentas ng kaibigan.Tumingin si Charlotte sa suot niyang kwentas at hinawakan iyon. Si Hailey naman ay tahimik lang at busy'ng busy sa pagkain. "Ito ba? Bigay to sakin ni Lucas. I mean, sir Lucas. Sabi niya kasi hindi mo na raw sinusuot kaya binigay niya nalang sakin." Paliwanag nito na nakapagbigay sa kanya ng matinding sakit. Akala niya

