"Nakadisturbo ba ako?" Mabilis ang paghinga ko. Nanginginig ang buong pagkatao ko. Hindi sila nagsasalita while Charlotte looked at me with a sorry in her eyes. "A-anong ibig sabihin nito?" I ask." May relasyon kayo? Kelan pa? B-bakit?" Sunod sunod ang mga katanungan kong iyon na gusto kong masagot nila. May namomoung luha sa mga mata ko. "Sorry Vivien." Panimula ni Charlotte. I look at her, hindi ko alam pero dala na siguro ng matindi kong galit kaya mabilis ko siyang nilapitan at agad na sinampal. "Traydor ka!" At doon nagsibagsakan ang mga luha ko. Matatanggap ko pa naman kung may nagugustuhang iba si Lucas pero bakit si Charlotte pa, ang bestfriend ko. "Matagal na ba?" Muli, tinanong ko siya. Mangiyak-ngiyak siyang tumango at tinakpan ang bibig niya. "Paano mo nagawa sakin to? Ch

