Matapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa silid nila at maliligo pa si Zacheo. Pagkatapos nitong maligo ay nagbihis na rin ito. Busy ito sa pag-aayos ng pulo nang lapitan niya ito at tinulungan sa pag ayos ng neck tie nito. Inayos niya pa ang gusot sa may kwelyo nito saka marahang tumingkayad upang mahalikan ang asawa. She planted small kisses on his lips making Zacheo groaned. Alam nitong may kailangan si Sabrina kaya ganito ito sa kanya. "What is it?" Tumaas lang ang kilay ni Sabrina sa tanong ni Zacheo. "Ang alin?" Pagmamaang-maangan niya rito na nakapagpatawa kay Zacheo. "Come on wifey, alam kong may kailangan ka kaya ka ganyan sakin. Sige na sabihin mo na!" Ngumuso pa si Sabrina saka siya niyakap sa likod. Animo'y bata itong nanlalambing sa kanya na payagan siyang maglaro sa

