Muli’y naramdaman ni Vittoria ang kamay nito sa kanyang hita. Tumutulo na ang dugo sa kamay ni Vittoria sa mga kukong nakabaon sa kanyang palad sa mahigpit na pagbilog ng kanyang kamay. “Massage her legs— Natigil ang paghinga ni Vittoria. Isang mainit na tubig ang biglang pumutok sa loob ng kanyang katawan at nagsimulang tumaas sa a mga mata nito. “AAAAAAAAAAAAAAA— Mabilis na inikot ni Franco si Vittoria sa kanyang dibdib at ang ulo nito ay nakasandal sa balikat ni Franco. Mahigpit niyang ikinulong ang dalaga sa kanyang braso. Napaluhod ang sundalo sa kanilang harap at tila nawawalan ito ng hininga. “Help him, please…Help him.Help him.Help him. D-Don’t want someone to d-die again because of me. No, please, d-don ‘t die,”nanghihinang bulong ni Vittoria ng paulit-ulit. Tumingin si Fran

