“Watch your actions, soldier. Warning is not in my vocabulary. “ Bumaling ang tingin ko sa sundalo sapagkat kahit anong sabihin ko ay hindi magbabago ang pasya ni Franco. Nakasuot ito ng masikip na maitim na berdeng tshirt at short subalit unang tingin pa lamang ay alam na ni Vittoria na ito'y sundalo sa loob ng kanyang mga simpleng damit katulad ni Franco. Nakatitig ito ng direkta sa akin.....? Hindi. Nakatitig ito sa kawalan. Walang takot na tumitig ako sa sundalo. Subalit ang buong katawan ko ay nanginig sa matinding takot sa katotohanang isang lalaki ang aking makakasama sa aking silid. Maselang mga braso kagaya ni Franco. Nasa gilid ang kamay nito at sobrang nakadikit sa kanyang gilid. Nakalabas ang kanyang dibdib. Matigas ang mga tingin nito. At tila kamatayan ang isinisigaw n

