Chapter 1.2

574 Words
Isang bangin ang nagpatigil sa kanya ngunit dalawang metro mula sa dulo ng batong kanyang kinatatayuan ay may gubat din. Tila naghiwalay ang dalawang bato at gumawa ng bangin. Naramdaman ng dalaga na may basa sa kanyang kaliwang pisngi.  Luha?  She suddenly remembered something written on the pages of a diary book on her room that she had just escaped. It said, "For the rain I am deeply obsessed but I'd hate to see it on your soft and delicate eyes...No not on your pretty understanding eyes, love..." Why am I thinking about that? I need to be quick now! Tila hindi makapaniwala ang dalaga sa biglaang paglabas ng kanyang luha. Subalit kagaya ng dati, ito rin ay isa sa mga misteryo sa kanyang katawan.  Ang biglaang pagtulo ng kanyang mga luha ay agad niyang pinunasan at lumingon-lingon siya sa kanyang paligid. Kailangan niyang maging alerto kung hindi ay hindi na siya muli pang makakalabas. Tumingin siya sa kanyang likuran upang mag-ibang daan ngunit ang mga mumunting malabong ilaw sa kalayuan ay nagbigay senyales sa kanyang tumalon sa kabilang gawi ng gubat.  Mahirap ngunit ito ang pinakamadaling paraan upang makalayo sa kanila.  Don't let them catch you this time, Vittoria! Itinuloy ni Vittoria ang kanyang pagmamadali 'di alintana ang gasgas na natamo nito sa paglapag sa kabilang dulo ng bangin na siyang kanyang tinatahak sa ngayon. Lumuwag konti ang kanyang takot ngunit naroon pa rin ang kanyang pangamba. Hindi pa siya maaaring magsaya hangga't hindi siya nakakalayo sa teritoryo ng Sector 37. Binilisan niya ang kanyang pagtakbo at hindi na ibinalik ang tingin sa likuran, takot na siya ay maaninag ng kanilang dalang ilaw.  Hindi niya alam kung paano pa nakakagalaw ang kanyang mga paa. Ngunit kung siya ay magpapahinga, siguradong hindi na makakatakbo itong muli. Lisanin mo ang impiyernong ito.  Ikaanim na beses na ngayon. At kung maari ito na ang huling beses. Kung maabutan siya ng mga ito ulit--kapag nahuli siya ulit ni Franco--katapusan na niya. Tila isang kidlat sa katawan nito ang kanyang naisip.  Walang ibang pagpipilian. Kailangan niyang mabuhay. Napansin niyang sa dulo ng kanyang patutunguhan ay walang halos mga puno. Masama ito. Madali nila akong matatamaan 'pag nagpatuloy ako.  Umikot siya sa isang pagkalaking puno at saglit na tumingin sa kanyang paligid. Lumaki ang mata nito nang mahagilap niya ang isang pulang kulay sa kanyang kanan. Nanginginig na itinaas ni Vittoria ang kanyang takip sa mata upang aninagin kung sino ito. Nakatalukbong ang itim na balabal nito at pinapakiramdaman ang paligid.  Sa loob ng kanyang manto ay nakasuot ito ng puting damit, ang kanyang laboratory gown at maong ay tila kapansin-pansin ang kumikislap na likidong kulay dilaw na nakalagay sa isang panturok na nakakubli sa bulsa ng mahabang lab gown nito.  Taliwas sa mga sundalong dala ay baril, tila naantig si Vittoria sa dalawang maliit na panturok na kanyang dala ngunit nang maalala nito kung gaano siya mabaliw sa isang turok nito, agad na nanginig ang buong katawan nito sabay ng pagtayo ng kanyang balahibo sa matinding takot. Tinakpan muli nito ang kanyang mga mata sapagkat sa oras na magkatinginan ang kanilang mata’y, unti-unting mawawalan ito ng hininga. Kilalang-kilala ni Vittoria ang may-ari ng panturok na ito, pati na ang marka ng isang ‘crescent moon’ sa kanang bahagi ng leeg nito--parehong marka na nakay Vittoria. Ang simbolo na ikaw ay isang Arturian. Ito’y naiturok sa kanilang dugo gamit ang pinaghalo-halong kemikal at tanging mga taga-Arturia lamang ito nagpapakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD