"124512" Ang pamilyar na malamig na tinig ng binata ang nagpatigil sa paghinga ni Vittoria. Biglang humakbang ng dalawang beses paharap sa kanya ang tinawag ni Franco na '124512'. "Siya ang magbabantay sayo gabi-gabi. And I know you’re probably bored of reading ancient memoirs of people you do not even know if they existed or not, so this fellow soldier will tour you to my mansion, the asylum every mid of the night." Ang unang lumabas na tanong sa isip ko ay kung kambal ba ito ni Franco sapagkat maliban sa kulay ng kanilang mata, abo kay Franco at itim sa sundalo, ay wala na silang pagkakaiba. Ang hubog ng kanilang katawan at ang mukha nila ay parehong-pareho. Mas nangamba ng labis si Vittoria ng mapagtanto niyang isang katangahan kung iisipin niyang hindi magkadugo ang dalawa sapagka

