Subalit tila hindi na sapat ang magandang tanawin na ito upang ibsan ang aking galit, kalungkutan at pagkamuhi sa aking sarili. Nawalan na ako ng pag-asa pa. At kung mamatay rin lang ako sa loob ng asilong ito, mas mabuting sa aking mga mismong kamay ito mangyari. Kung itatatak rin lang araw-araw sa aking puso ang dahan-dahang pagkawala ng tiwala sa mundo, at sa kabutihan nito, ayoko ng maghirap pa. Natulog na pala ako kaninang basa ng luha ang aking mga mata matapos akong lapastanganin ng taong minsan ay sinubukan kong intindihin subalit tila mamumuong muli ang aking galit sa kanya. Franco, who are you? Why do you keep making me suffer? Tapos na akong magshower subalit naroon pa rin ang mga hawak at halik niya sa aking katawan. Ramdam ko parin na parang ngayon lamang niya ito gi

