Chapter 5.1

551 Words

Vittoria Nasa labas siya.  Franco. Mainit sa aking silid subalit tila lamig ang pumaibabaw sa aking buong katawan. Ang silid ay tila nawalan ng hangin.  At ang buwan na nama'y ikinubli ng hamog na pumapalibot sa gubat at sa asilo. Batid kong ako'y minamanmanan mula sa labas. Maagang dumating ang doktor ngayon. At yun ay nakakapagtaka. Kahit kailan hindi siya dumating hangga't hindi pumapatak sa madaling araw ang oras bago sumilay ang araw.  Maaga siya ngayon. Alam kong hindi upang ako ay turukan ng dilaw na likidong hindi naman pala pampatulog! May iba itong pakay at hindi na ako magtataka kung ito ay ang aking parusa.  Walang paliwanag. Alam kong kahit ako ay magsalita, wala itong patutunguhan. Subalit kahit nais kong kitlin na lamang ang aking buhay, bakit sa dilim ay tahimik ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD