The pain is familiar but I have no idea what made it familiar. Nakapikit ang aking mga mata subalit buhay na buhay ang aking diwa. Hindi ko alam kung bakit nang mabaril si 45 ay may pumiga sa aking hininga, at parang nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng salita at pakiramdam. Ang mas nakakapagtaka ay bakit tila sobrang pamilyar ang pakiramdam na ito. Na parang may isang butas sa aking dibdib. Lumingon akong muli sa aking kanan. Hindi ako makakapagsanay ngayon sapagkat alam kong nagpapagaling pa lamang si 45. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kung may mangyaring masama sa kanya. Isang malakas na ‘tok’ ang aking narinig muli at batid kong si Lirena ito subalit hindi ako sumagot at nagkunwaring tulog. Alam ko ang sasabihin nito. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga sundalo. Sa tutuusin p

