Nang sa isang iglap ay mayroong mga nakaputing tao, na halos lahat ng katawan ay natatakpan at hindi makita ang kanilang mga mukha, ang dumating at inilagay si Franco sa isang stretcher. Marahil upang ipunta sa laboratoryo. "Hindi. Hindi maaari- "Vittoria, stop." Norman warned me. Mabilis silang gumalaw sapagkat ang kanilang hawak ay buhay ng Commander ng buong Sector 37 hindi lang isang baliw na pasyente rito. Tumingin ako kay Norman habang ipinupunta nila ito. Bakit ipinagtatanggol nito si Franco??? Naramdaman ko ang dahan-dahang pagpiga sa aking dibdib, na parang may isang kamay ang may hawak sa aking puso at sa bawat paghinga ko, ay hinihigpitan nito ang paghawak rito. Is this what I get from trusting Norman? Sabi ko na nga ba, sarili ko lang ang aking mapagkakatiwalaa

