"Saglit lamang ako." Maingat akong nagtungo upang kunin ang susi sa gilid nito. Ibinukas ko ang aking bakal na pintuan at nalanghap ko ang pamilyar na amoy ospital na hangin sa labas, ang pansamantalang kalayaan. Subalit nang maglakad ako at makalayo-layo sa aking silid ay nagulat ako sa aking nakita. Nag-iba ang estilo ng labas ng aking silid. Dati ay may mahabang makitid na daanan na silid rin ng mga kagaya kong baliw subalit ngayon ay isang malawak na salas ang bumungad sa akin. Nalito ako. Nasaan ako? Inibahan ba nila ang estilo ng asilo o marahil ay ipinunta ako sa ibang silid na kaparehong-kapareho ng dati kong kulungan. Ang pagkawalang bahala ko kanina ay napalitan ng matinding kaba-ang parehong kaba nang una kong pagtangkang tumakas. Nagpatuloy akong maglakad. Napakagara ng sala

