Tila araw-araw niyang nararamdaman na isa pang araw at mababaliw na siya ng tuluyan. Sapagkat hindi na nito maramdaman ang kasiyahan o kahalagahan ng kanyang paghinga. Biglang napatayo si Vittoria, “Walang hiya ka, matapos mong pilitin ang isang binatang sundalo na lapastanganin ako upang sapilitan kong maidilat ang aking mata! Napakasama mo. Ikaw dapat ang nasa kalagayan niya ngayon!” “Hindi pa siya patay, kung iyon ang nais mong malaman.” Gumaan ng konti ang loob ni Vittoria sa nalaman subalit hindi pa rin natanggal ang kanyang galit. "Kumusta ang iyong mga binti?" Sumandal ito sa likuran ng pinto habang mariing inaanig ang dalaga sa kanyang kama. Matangkad ito at ang buong mukha nito ay kapansin-pansin sa dilim. Napakatangos na ilong at maninipis na mga mapuputlang labi na parang wal

