Vittoria "Do you think you could kill me with just that?" Nanginig ang aking buong katawan sa tono ng boses na aking narinig. Ang malumanay at inosenteng boses na naman nito. Walang bahid ng galit o pagkamuhi. Ngayon alam ko na kung bakit nakakakilabot ang sundalong ito... sapagkat ang mga taong kayang magtago ng tunay nilang emosyon ang pinakamapanganib na klase ng tao sa mundo. Kailanman hindi ako nagsisi sa aking mga desisyon subalit sa mga minutong aking naisip na magagawa kong ibagsak ito sa kanya upang mahimatay siya saglit, tila natunaw ang buong pag-asang nasa aking kaluluwa. “Why don’t you use your power against me? I bet it’s more effective than that piece of s**t. Or do you think you’d feel less guilty if you use that little lamp.” “Hindi ko planong patayin ka, m-maniwala

