"Kumain ka na?," tanong ko rito. Ni minsan ay hindi ko ito nakitang kumain. Marahil ay sa aking pag-idlip ay may iba itong ginagawa o sa oras na iyon siya ay kumakain. Hindi pa rin ako nito tinignan na parang malalim ang kanyang iniisip. "Minsan ba'y naisip mo kung totoong may panginoon sa mundo?" Natahimik ako sa tinuran nito hindi dahil sa ngayon lamang ito nagsimula ng ganitong tipo ng pag-uusap sapagkat araw-araw na sumasagi sa isip ko ang mismong tanong na ito. Hindi ko alam kung magaling magbasa ng isip ito subalit tila may mga gabing napapaisip ako sa mga munting tanong niya. "Siguro meron. Siguro wala." Nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy na kumain. Kailangan ko ito mamaya. "You're neutral, huh? Anong pinaniniwalaan mo?" Nagdalawang isip ako kung sasagot ako o hindi. H

