Episode II

2577 Words
Pupungas-pungas pa si Paula ng bumangon sa kanyang kama sa ilang beses inunat ang mga braso at binti, ng biglang may naalala pagtingin niya sa sahig wala na si Nickulas, nakatupi na ng maayus ang hinigan nito, nakita din niya yun cellphone nitong di keypad sa ibabaw ng cabinet, nasa baba nito ang backpack nitong kulay itim, buti nalang at inilagay sa loob ng sasakya niya ng mga tao yun. Kung hindi baka wala itong isuot na damit. Nasa ibabaw nun ang nakatupi din damit nitong hinubad kagabi, katabi nun ang dalawang rubber shoes. Itim ang gamit nito kahapon, may kulay puti din mas bago yun. Alam niyang nakatulog ito ng mahimbing kagabi, dinig niya itong mahinang naghihilik marahil sa pagod at sa ininum nitong gamot. Hindi man naging komportable ang tulog dahil sa kauna-unahang pagkakataon may nakasama siyang lalaki sa loob ng kwarto niya. Ganun pa man magaan parin ang pakiramdan niya at malaki ang tiwala niya sa estrangherong kasama. Tumungo na siya sa banyo upang gawin ang kanyang morning routine. Muli niyang nilingon ang di keypad nitong cellphone, kagabi pinipilit niyang gamitin nalang nito yung pinaglumaan niyang touch screen na cellphone pero tumangi ito. Pinaliwanag pa niya dito mabuti kung bakit dapat touch screen na ang cellphone na ginagamitin nito, pero mariin parin ang pagtanggi nito at mukhang mataas ang pride ng lalaki. "Mamayang gabi mag-uusap tayo, marami akong itatanong sayo para matulungan kita at gusto kung malaman kung sino ka bang talaga para pagkatiwalaan kita." bulong niya sa sarili bago siya lumabas ng kanyang silid. Nakita niya si Nickulas sa kitchen nakaharap ito sa stove, may suot itong apron na kulay pula, nakasuot lang ito ng boxer short na kulay green at naka t-shirt ng puti na ginupit ang mangas kaya kita hanggang baba ng kili-kili nito. Napalingon ito sa gawi niya at ngumiti ng makita siya nito, maputi ang pantay-pantay nitong ngipin. "Hi Good morning" bati nito sa kanya. " Good morning too" sagot niya dito. "Pinakialaman ko na 'tong kitchen mo, malapit na tong maluto, upo ka na ka dyan." Utos nito. "Sinangag ko nalang yung natira nating kanin kagabi." Paliwanag pa nito kaya lumapit siya dito at sinilip kung anong ginagawa. "Marunong ka palang magluto" aniya. Napangiti naman ito sa tinuran niya. Nag akmang kukuha nasa siya ng tasa para sa kape inawat siya nito at pinaupo nalang sa silya. Inalalay pa siya niyong maupo. "Ako nalang maupo ka nalang diyan, hayaan mong pagsibihan naman kita, ako na ang gagawa dito sa bahay mo hanggang andito ako para naman may silbi ako." Anito na naka ngiti sa kanya. Naiiling nalang siyang pinagmasdan ang bawat kilos nito. "Hindi mo naman kailangan pagsilbihan ako, ikaw itong may dinaramdam baka mapuwersa pa yang katawan mo mas lalo pang lumala yan sakit ng katawan mo." Aniya dito. "May masakit pa ba sayo? 'yung totoo, sabihin mo ang totoo at huwag kang mahiya." Singhal niya at pinandilatan pa niya ito ng mata para magsabi ito. Alam niyang ma-ego ang mga lalake base sa nakikita niya, ayaw nga nitong tumangap ng pera galing sa kanya, kaya kailangan niyang daanin sa diplomasya. Pero natawa lang ito sa inasal niya. . "Ito nalang balakang ko ang medyo masakit pag-yumuyuko ako." wika nito sabay himas pababa't pataas sa balakang. "Huwag ka nalang masyadong gumalaw mahiga ka nalang muna o kaya manoon ng tv. Para humaling agad. Kailangan mo rin inumin ang mga gamot na nireseta sayo ng Doctor." Pakiusap ko pa sa kanya. "Hindi ako sanay ng walang ginagawa at baka mas lalong lumala pa ang sakit ko kung lagi akung hihiga. Nakapanghihina yung guston mong ipagawa sa akin, ako nalang maglinis ng bahay mo para ma-stretch naman muscle ko kahit papaano ." Saad niyang pagmamatigas. "Ano kaba pinahihirapan mo lang sarili mo niyan, paano kang gagaling kung ganyan, basta wag na wag kang gagawa dito sa bahay hanggang hindi kapa lubos na magaling, maliwanag ba." Asik niya sabay irap pa niya dito. "Yes boss clear." sumaludo pa ito sa kanya na ikitawa niya. "Hindi ako uuwi sa tanghali kaya kung ano lang gusto mong kainin yun lang lulutuin mo." aniya dito. "Anong oras pala uwi mo." Tanong nito. "Mga 7 or 8pm dipende sa dami ng trabaho ko, kung inaantok kana pwede ka ng matulog wag mo akong antayin, kung may kailangan ka o problema pwede mo akong i-text or tawagan, nasa iyo naman yun number ko palodan nalang kita mamaya paglabas ko, huwag ka ng mahiya kung ano gusto mo, magsabi kalang. Sisingil nalang kita pag may trabaho kana, treat mo ako sa poborito mong kainan ayus ba?" Mahabang aniya dito at kinindatan pa niya ito. Nakita niyang pag-aliwalas ang mukha nito. "Yes sure kaya lang matagal pa yun." Tuwang-tuwang tugon nito. "Ayus lang yun, kaya uulitin ko huwag kang mahihiya saking magsabi kung ano kailangan mo dahil maniningil ako once na may trabaho kana." ulit niyang wika. "No problem boss." Anito. " Anung oras ka pala papasok?" "Mga eight, akyat nako." paalam niya dito, tumango naman ito sa kanya. Kahapon lang niya ito nakilala pero eto at kasama na niya sa bahay niya kasama din niyang natulog sa silid niya, kinapa niya ang dibdib niya pero wala siyang maramdaman takot, ni hindi nga niya naisip na estranghero ito at baka gawan siya ng masama ang alam lang niya may tiwala siya dito, hindi ito yung tipong may gagawing masama sa kapwa. Nagtataka rin siya kung bakit ang laki ng tiwala niya dito. Magaan ang loob niya sa lalaki. Hindi pa man nagtatagal ang pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair ng mag ring ang cellphone nita kaya agad niya itong hinugot sa bag. Napangiti pa siya ng makiga kung kanino galing ang text message na punasok. From: Nickulas Hi dyan ka naba ofis mo? yes kadarating ko lang, why? reply niya dito. From: Nickulas: nothing, just checking kung safe kang nakarating. Ok, may gusto kabang ipabili? Reply niya ulit dito. At ng hintay pa siya ng ilang minuto pero hindi na nag-reply si Nickulas. "Mama morning aga niyo yata?" Bulalas niya dahil nagulat siya sa biglang pagsulput ng kanyang ina sa office niya. "Bakit hindi ba ako pwedeng pumunta dito ng walang appointment sayo, ako ang ina mo, bakit kailangan pa akong harangin ng secretary mo." Nakataas kilay na reklamo ng kanyang ina. "Hindi naman sa ganun Ma marami lang talaga akong ginagawa kaya ayaw ko ng may iba pang pumapasok sa opisina ko." aniya na nakayuko at kunwang abala sa mga dukomentong nasa ibabaw ng kanyang lamesa. "May kailangan kaba Ma?" dagdag tanong niya dito dahil hindi parin ito kumikilos sa harap niya. Alam na niya kung ano kailangan ng Mama niya, hindi nga niya alam kung bakit hanggang ngayon parang dalaga paring ang kanyang Ina, daig pa siya kung gumimik, parang walang asawa at parang namumulot lang ng pera kung gumastos. Ang pagkakaalam niya simpleng buhay lang meron ang pamilyang nagisnan ng kanyang ina pero buhat daw ng napangasawa nito ang kanyang Papa naging maluho na ito at naging mata pobre narin. Napapailing nalang siya sa mga naiisip. Kaya nga pursigido siyang maiangat pa ang kanilang negosyo para dito at ng hindi siya nito minamaliit. Kung totousin tumaas nga ang income nila ngayon kumpara noong ang mga magulang pa niya ang humahawak ng negosyo nila. Dahil nag-iisa lang siyang apo ng kanyang lola kaya buhat ng grumaduate siya ng college isinabak na siya nito sa pagpapatakbo ng negosyo nito. Noong una talagang nahirapan siya palagi nitong sinasabi sa kanyang kung ano ang mga dapat gawin hanggang natotonan na niya yun at pagkaraan ng isang taon sa kanya na ipinasa ng kanyang lola ang pamamahala ng lahat ng negosyo nito, kaya naman mas nadagdagan pa ang sama ng loob ng kanyang mga magulang sa kanya lalong-lalo na ang kanyang ama. Napabuntong hininga nalang siya sa pagbabalik tanaw. "Galit nga sila sakin pero kung gumastos naman para naman wala ng bukas wala naman naitutulong." Piping bulong niya sa isipan. Plano niyang maghigpit na ng kunti para makaipon pandagdag niya para sa mga plano niyang mga bagong project. Kailangan nadin niya kausapin ang mga stakeholder at mag-sumbit ng mga bagong proposal sa mga investors niya. Marami siya mga plano sisimulan na niya yun at iisa-isahin niya ngayon yun, una niyang kakausapin ang mga head department niya. At humanap ng willing na mag-invest sa peoject niya. Nabigla pa siya ng tumunog ang cellphone niya alam niyang text message lang yun kaya hindi niya pinansin, hindi importante yun kaya tuloy lang siya sa pagtipa sa laptop niya ilan minuto pa ang lumipas ng may maalala siya kaya dali-dali niya kinuha sa drawer niya ang cellphone niya hindi nga siya nagkamali. Kay Nickulas nga galing at nagtatanong ito kung kumain na siya, kaya tinawagan na niya ito. Nangingiti pa siya ng matapos ang paguusap nila masaya siya at may isang taong concern sa kanya bukod sa lola niya. Ni hindi nga siya maalala ng kanyang mga magulang kung kumakain pa ba siya o pagod ba siya, may sakit ba siya. Wala itong pakialam sa kanya. Saka lang siya kukumustahin ng mga ito kung may kailangan sa kanya. Ang kwento ng lola niya ng nasa hustong gulang na ang kanyang ama ng kinuha nito ang dapat mana sa lola niya, 50% ng ari-arian ng lola niya ang napunta sa ama niya. Napalago naman daw ng Papa niya yun pero hindi daw nagtagal at nagpakasal daw ito sa Mama niya, ayon sa lola niya maganda naman daw naging takbo ng negosyo ng mga ito hanggang sa mabalitaan nalang daw ng lola niya na lahat ng negosyong pag-aari ng kanyang ama ay bagsak na, at may mga utang pa. Binigyan daw muli ng puhunang ng kanyan lola ang Papa niya para makabangun pero lalo daw ito nabaun sa utang, hanggang nabalitaan nalang daw ng lola niyang may isang nagmagandang loob ditong ng invest ng napakalaking halagang pera para sa mga negosyo nito. Pagkaraan lang daw ng mahigit isang taong naubus lahat ng iyon at walang natira. Kaya napilitan ang lola niya kunin ang Papa niya at gawin supervisor sa kumpanya ng kanyang lola, pero ng siya na ang pumalit sa pwesto ng lola niya nagbitiw na ito, ganun din ang Mama niya bilang secretary nito. Sa pagbabalik tanaw niyang iyon sa mga kwento ng lola niya napahilot nalang siya sa kanyang sintido, sumasakit na ulo niya sa kaiisip ng kung anu-ano. May bisyo ang ama niya kaya wala ng matinong nangyayari dito. Nalulon na ito sa bisyo, pero ayaw lang nitong aminin sa kanila. "Kumusta naman ang trabaho sa opisina? Ayus ka lang ba? Hindi kaba nahihirapan mag-isa mo lang nag-manage ng business n'yo?" Tanong ni Nickulas sa kanya habang naghahapunan sila. Talagang hinatay siya nito para sabay daw silang kumain. "Ayus lang sanay naman na ako. College pala ako iti-train na ako ni lola."Aniko ko na may halong pagsisinungaling. "Ako ng magliligpit magpahinga ka nalang." Saad nito ng matapos na silang kumain. Pero tinulongan parin niya ito. "May alam ka bang nanghihilot Leona Paula?" Tanong nito ng patapos nailatag ang hihigan. Nakasamalpak ito ng upo paharap sa kanya sa ilatag na makapal na blanket na siyang hinihigan nito. Nakaupo rin siya sa ibabaw ng sarling kama nasa kandungan ang kanyang laptop. Hindi siya sanay na may kasamang lalaki sa loob ng kwarto kaya kahit wala naman talaga siyang gagawin ay nagbukas pa din siya ng laptop at nagkunwang abala sa pagtipa. "Hilot" takang tanong niya dito at hinarap ito. "Oo manghihilot, baka kasi naipitan lang ng ugat yun balakang ko kaya hanggang ngayon masakit." Litanya nito. "Naniniwala ka paba sa hilot sa panahong ito?" Takang tanong niya dito, hindi kasi niya alam kung anong hilot sinasabi nito. "Oo naman nun bata pa ako pagnahuhulog ako sa kabayo pinahihilot lang ako ni nanay Lucing gumagaling na ako." paliwanag niya dito. Naalala pa niya noong panahong nabubuhay pa ang mga magulang niya. "Kabayo? May kabayo kayo?" Hindi makapaniwang tanong nito. "Aa-ano k..kasi sa amo yun ni nanay." Na uutal niyang pagdadahilan dito. "Ganun ba, magtatanong ako bukas sa opisina kung may alam sila. Nickulas ano kasi pwede bang malaman kung anong natapos mo?" Nag-aalangan tanong niya dito. "Third year college iregular na ako kaya lang hindi ko natapos yun nawalan kasi ako ng trabaho. Nasunod yun pabrikang pinagtratrabahuhan ko sa Valenzuela stay-in ako dun. Sayang nga lang hindi ko din nailigtas lahat ng gamit ko yan lang nadala ko." anito at itinuro pa niya ang kanyang backpack. "Tinulungan ko kasi yun ibang mga kasamahan naming makalabas sa loob, buti nalang at walang namatay kaya lang may ilan din nasugat." Nalulungkot siya sa mga nangyari ng dahil dun naging palaboy siya. "Ganun ba, sige titingnan ko kung anong pwedeng trabaho para sayo para makatulong naman ako." Saad nito sa kanya. "Salamat kung mabibigyan mo ako ng trabaho kahit janitor lang ayos lang sakin hindi naman ako mapili sa trabaho basta legal at marangal ayos na." anito na nakangiti sa kanya, mga ngiti na nagpapabilis ng pintig ng kanyang puso. "Saan nga pala mga kamag-anak mo, mga magulang?" tanong niya sa binata. "Wala na akong mga magulang sabay silang nasawi sa isang aksidente." Anito. Kita niya ang biglang paglamlam ng mga mata nito. Nagpatuloy ang buhay nilang dalawa na magkasama sa iisang bubong sa loob ng isang linggo nakakalakad na ito ng tuwid, hindi tulad ng dating paika-ika ito kung maglakad, totoo nga sigurong napilayang lang ito. Halos simigaw ito sa sakit ng hinihilot ng matanda, ang sabi nalamigan na daw ang pilay nito kaya mahirap ng kapain, pinadapa ito at sa kadungan pa niya ipinatong ang mukha nito dahil napagkamalan silang mag-asawa. Tuwang-tuwa naman ang magaling na lalaki na sumang-ayun sa manghihilot kaya ang higpit ng yakap nito sa bewang niya habang hinilot ito. Alam niya nasasaktan ito dahil pinagpapawisan ito habang hinihilot ng matanda kaya wala siyang magawa kung hindi pakalmahin ito. Ang dating maluwang at walang kabuhay-buhay niyang bahay, ngayon pakiramdam niya masikip na para sa kanilang dalawa ng binata dahil sa tuwing magkakalapit sila nagiinit ang paligid niya na parang nagsisikip ang kanyang paghinga dahil sa kakaibang pintig ng kanyang dibdib. Kaya kung minsan umiiwas siya dito, dahil naaasiwa siya sa presensya nito pero wala siyang magagawa dahil magkasama sila sa iisang kwarto. Ito ang ng aasikaso ng lahat ng kailangan niya ito anb nag-aasikaso muna umaga hanggang gabi, ang almusal niya hanggang sa hapunan, mga dadalhing gamit sa trabaho, ang isusuot na damit hanggang sa pantulog, lahat ito ang gumagawa. Para na nga silang dalawa mag-asawa kung titingnan sila. Lagi rin siya nitong tinatanong ng mga ginawa niya sa trabaho, kung napagod ba siya, kaya kung minsan napapaisip siya paano nalang kung umalis na ito, ano na ang gagawin niya nasanay na siyang kasama ito lagi. Minsan nga nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya pagnagtama ang kanilang mga mata ngingiti lang ito at magiiwas ng tingin, hindi din niya maintindihan ang sarili niya kung minsan laging lumilitaw sa balintataw niya ang imahi ng gwapong mukha nito kahit nasa trabaho siya gusto niya itong kasama lagi, gusto niyang nakikita ito kaya nga kung minsan maaga siyang umuuwi para lang makasama ito, na-mimiss niya ito. Bibigyan niya ito ng trabaho sa opisina siya para hindi na ito umalis sa bahay niya, lahat gagawin niya para huwag itong umalis sa buhay niya. At makasama ng mahabang panahon. ......................................................... ...please follow my account.. .and add my story in your library ..loveyouguys..God Blessed Us ..thanks much....lady lhee .....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD