Hindi ko na nabigyan pa ng pansin iyon nang bumaling sa akin si Lynusdrei. "Let's go," seryoso niyang sambit. Napatango na lamang ako at pinatay na ang aking phone. Nagtungo na ako malapit sa pintuan at sinuot ang aking sapatos. Tahimik lang kaming sumakay ng elevator. Napasilip ako sa kanya. Napakaseryoso ng kanyang mukha. Working mode na ba siya agad? Pasulyap-sulyap ako sa kanya hanggang sa makasakay kami sa kanyang kotse. "Hey," pukaw ko na sa kanyang atensyon. Tumingin siya sa akin bilang tugon. Hindi pa rin pinapagana ang kotse. "Are you okay?" "Will you see him?" he answered instead. Napakunot ang noo ko. Noong una ay hindi ko makuha ang tinutumbok niya. Pero nang makuha iyon ay mabilis akong napahawak sa kanyang kamay. Sigurado ay nakita niya ang pinadalang mensahe n

