Kada minuto ay napapabaling ako sa orasan. Binabantayan ang oras ng uwian. Uwian nga ba o ang dinner date? "Baka naman mabali na ang leeg mo sa kakatingin mo sa orasan. Excited much sa pag-uwi?" pansin sa akin ni Cathy. Ngumisi lang ako sa kanya. Nang dumating na ang oras ng uwian ay nanlamig ang aking mga kamay. Bigla akong kinabahan na para bang ito ang kauna-unahang mag-di-dinner ako kasama ang isang lalaki. Alam ko sa sarili ko na ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon kumpara noong nakikipag-date ako sa ibang lalaki dati. Bago magtungo sa parking ay nagtungo muna ako sa comfort room upang mag-ayos. Sinuklay ko lang ang buhok ko at nag-retouch ng mukha. Naglagay ako ng powder at lipbalm para naman magkaroon ng buhay ang aking labi. Napahinga ako nang malalim bago lumabas at maglak

