{Shiastelle} Chapter 2: Mr. I don't know

2254 Words
Pagkauwi ay hidi na ako nabigla sa tatlong babae na nakahiga sa aking kama at feeling na feeling ang panonood sa flat screen t.v. "Kumusta?" si Tria ang unang nakapansin sa akin. At tila aso naman na agad sumunod ang dalawa. Hinawakan ako sa magkabilang braso. "Bet mo?" tanong ni Dia. Napaikot ako ng mga mata. "We need more time," I said. Hindi naman ng dahil sa isang date ay pwede na agad. Syempre mas maganda pa rin na mas kilalanin namin ang isa't isa ni Markian. "You got a point there," Lia said while nodding her head. Tria scoffs at her. "Wow ha. Sino kaya iyong one week pa lang sinagot na ang manliligaw?" pang-aasar nito. Agad na napataas ng kilay si Lia at tumawa ng malamaldita. "Well, getting stronger naman kami," pagmamalaki niya. Totoo naman. Medyo tumatagal na rin sila. Seven months na silang mag syota ni Kent. "Anyway, magkwento ka na, Shia," pag-babalik sa akin ni Dia. Tinanggal ko ang suot kong mga palamuti at umupo sa may kama. "Ayos naman. I enjoyed his company. Bukod sa medyo magkakilala na kami ay mas marami pa kaming napagkwentuhan," sagot ko. "So? Mukha naman ba siyang interested sa'yo?" Tria asked while combing her hair. Napasingkit ang isa kong mata at pinag-isipan ang sinabi niya. "Uy, don't tell me hindi?" Agad naman na parang umuusok ang ilong ni Dia. Lalo na at siya pa naman ang nagreto kay Markian. Natawa ako dahil doon. Ang praning niya. "Mukha naman? I am not really sure. Pero parang. Saka hindi naman siguro siya papayag na makipag-date sa akin if hindi?" I am not about what I've said. Masyado pa kasing maaga para mag-conclude. Napatango-tango ang tatlo. "Sabagay hindi naman iyon papayag kung hindi nga," pagsang-ayon ni Lia. "So ikaw? Pumayag ka. Ibig sabihin ba interested ka sa kanya?" pagbawi ni Tria. Doon ako napanganga nang maliit. Oo nga naman. Tumigin ako sa kawalan at pinag-isipan iyon. Muntikan ko nang masampal ang sarili ko ng ibang mukha ang na imagine ko. Iyong lalaking hindi ko naman malaman-laman ang pangalan. Oh gosh, Shia. Ni hindi mo nga kilala iyong tao at higit sa lahat may jowa na. Sinundot na nila ako ng hindi pa rin ako sumasagot. "Okay. I think she needs more time to figure that out," Dia said. Nang gumabi na ay nagsilayas na sila. Dahil mula pa sa kabilang panig si Lia ay paniguradong kina Tria iyon matutulog. Naghilamos na ako at humilata sa aking kama. May mensahe si Markian at binuksan ko iyon. "Hope that we'll have more dates to know more about each other," he said. Napangiti ako. Kung tutuusin ay wala kang mapipintas sa kanya, well siguro minsan snobby siya and may pagkamayabang na in a good way naman and hindi naman iyong sobrang hambog. Kung magiging boyfriend ko si Markian ay hindi na ako lugi. Baka siya pa nga ang lugi sa akin. Nagtipa na ako ng mensahe. Tulad nang sinabi ko, I want to see if it will work out. Gusto kong i-try. "Of course," I replied. Nag-send siya ng gif na batang tumatalon at may "yey" na word. Napapiling na lamang ako. Cute. Nasundan pa nga ang pagkikita namin. Makalipas ang isang linggo noong huli naming date ay napagpasyahan naming magkita ulit. Ngayon naman ay sa mall kami pupunta. Balak niya rin kasing bumili ng grocery. Sa pag-uusap namin ay napag alaman ko na siya ang mag-isang tumitira sa condo niya. Oh 'diba. Bongga ang kuya niyo. May pa-condo pa. Mas malapit naman kasi ang trabaho niya roon. "Let's eat first before going to the grocery mart," he said. Nagpahila na ako sa kanya at sa may sikat na kainan kami pumasok. "Ikaw? Wala ka talagang planong puntahan dito?" he asked. Ilang ulit na niya yatang itinanong sa akin iyon. I chuckled. "Hmm." Nagkunwari akong nag-iisip. "I want skin care." Napatango siya. "Mukha ngang mahilig ka roon," he said. Napanguso ako. "Paano mo naman nasabi?" "Well, I saw you one time buying some of it, college days pa iyon. Nakita kong marami kang pinili at binili," utas niya. Napa 'o' ang aking bibig at napa snap pa. "I though namalikmata lang ako noon. Ikaw pala talaga iyon. Snobby ka pa that time," pang-aakusa ko sa kanya. "Sorry. I just don't know how to approach you and I thought you have a boyfriend at that time," he answered. "So? Ano naman ngayon if may boyfriend man ako that time? Hindi mo na ako papansinin? Parang wala naman tayong pinagsamahan ha," panloloko ko pa. Napakamot siya sa batok niya. "Yeah. It's my fault," pagsuko na niya. Dumating na ang order namin at nag-umpisa na kaming kumain. Nag-uusap pa rin kami sa kalagitnaan nang pagkain namin. Nang matapos ay nagpahinga lang kami saglit at nagbayad ng bills. Nakipag-split ako. Ayaw ko naman na siya ang magbayad ng lahat, na gusto niya pero hindi ko pinayagan. Wala siyang nagawa sa huli kung hindi pumayag sa gusto ko. Busy ako sa pakikipag-usap sa kanya habang palabas nang may madaplisan ang aking balikat. "Sorry," saad ko at tumingin dito. Napanganga nang maliit ang aking bibig nang makita kung sino siya. Siya! Iyong lagi kong hindi nalalaman ang pangalan. "That's okay," he said. And for the first time narinig ko ang boses niya. Tila nanlambot ang aking mga tuhod at gustong kiligin sa kanyang boses. Damn. Napaka attractive talaga. Pero teka lang bakit parang pamilyar ang kanyang boses? Para bang narinig ko na ito noon at hindi ko lang mawari kung paano, saan, at kailan. "Hey," pukaw sa akin ng aking kasama. Wala na pala sa tabi ko si Mr. I don't know. "Ha? Let's go na," lipang ko pang saad. Stop it, Shia. Si Markian ang kasama mo pero nakuha mo pang kiligin sa ibang lalaki. Pero may masama ba roon? Hindi naman kami ni Markian. Pero medyo pangit nga kung iisipin. Pumasok na kami sa grocery mart. Kumuha siya ng cart at naghanap na kami nang bibilhin niya. May meat and sea foods pa naman daw siya sa ref niya. So vegetables, fruits, and other necessities ang bibilhin niya rito. Kumuha na nga siya ng mga gulay at prutas. Napansin ko na mahilig siya sa carrots and apple. Iyon kasi ang madami. "Kinakain mo siguro ang carrots kahit hindi pa luto 'no? Like rabbits," panghuhula ko. Napangiti siya at tumango. "How did you know?" "Ang dami kaya nang kinuha mong carrots," tudyo ko. Napatango-tango siya. Lumipat kami sa may chocolate sections. Tumingin-tingin din ako baka sakaling may magustuhan ako. Gusto ko sana iyong cookies and cream flavor bar kaso 'wag nalang. Nagtagal kami ng isang oras doon. May halong kwentuhan pa kasi habang namimili. Nasa may counter na kami nang makita ko na naman siya. Iyong lalaki. Papasok siya rito at napabaling din sa akin. Muli ay nagtama na naman ang mga mata namin. Nakaawang nang maliit ang kanyang bibig kaya naman napatingin ako roon. Ilang sandali ay binaling niya ang tingin niya sa kasama ko at cold lang na tumingin dito. Pagkatapos ay tuluyan na siyang pumasok. Inilagay muna ni Markian ang grocery sa kanyang kotse. Ako naman ay agad nang nagtungo sa may bilihan ng skin care. Doon na niya ako pupuntahan. Busy ako sa pagkuha ng skin care ko nang magsabay ang mga kamay namin ng isang tao sa pagkuha ng specific product. Naramdaman ko pa ang pagdaloy ng kuryente kaya napapiksi ako. Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya sa akin. Gusto na yatang malaglag ng panga ko. Siya na naman. Ano ba naman iyan? Paano ko siya maalis sa isipan ko kung lagi ko siyang nakikita? "Ahm," bumwelo pa ako sa pagsasalita. "You can have that. Marami pa naman," he said and let go of the facial mask. "Thanks," iyon na lang ang nasabi ko dahil wala naman akong masabi. Panakanaka pa ang tingin ko sa kanya habang pumipili pa rin ng skin care ko. Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala si Markian. "Sorry. Medyo natagalan," paumanhin niya. Pumiling ako. "That's okay. Ikaw? Wala ka bang bibilhin dito?" Pumiling siya. "Wala naman. I will just accompany you." Saka siya ngumiti. Napadako ulit ang tingin ko roon sa lalaki. Nabigla pa ako ng kaunti nang makitang nakatingin din pala siya sa akin. Lumipat ang tingin niya sa kasama ko. Tumagal iyon ng ilang segundo at pagkatapos ay ibinaba na niya ang kanyang tingin sa may rack. "Hey," pukaw ni Markian. "Sorry. What?" May sinasabi yata kasi siya at hindi ko narinig dahil sa pagtitig ko sa lalaking hindi ko malaman-laman ang pangalan. "I asked if you like ice cream after this," he answered. Mabilis akong napatango. "Of course. I want chocolate flavor," masaya kong sagot. "Still your favorite huh." Saka siya natawa. Well, it's true. Simula bata pa lang ay favorite ko na talaga iyon. "Do you remember?" he asked again. "Ang?" "Noong inaway mo ako dahil sa ice cream." Saka siya napanguso. Namula ang mga pisngi ko dahil sa hiya. Ginawa ko talaga iyon noong bata pa ako. "When Diara gave the ice cream to you." Saka ako napa scrunch ng nose. Akala ko kasi ay para sa akin talaga iyon at inagaw niya lang. Ito naman kasing pinsan ko hindi agad sinabi. Tinawanan pa ako ng loka. Pagkauwi nga ay sobrang hagalpak niya pa. Tuwang-tuwa sa katangahan ko. "I'm sorry for that," napapiling ako. "That's fine. Kahit na akala ko ay babalatan mo ako ng buhay dahil sa galit mo." "Excuse." Naputol ang pagkukwentuhan namin dahil sa lalaking nagsalita. Agad akong napatingin dito. Siya ulit. May mga hawak na siya at obviously nakikiraan. Pero... ang lawak pa kaya ng space. Pwede naman siyang dumaan. Hinila ko si Markian papalapit sa akin. Napasunod ang tingin ng lalaki roon. Nang makadaan na siya ay napakagat ako sa aking labi. Ang bango! Natuloy nga ang pag a-ice cream namin. Ibinili niya pa ako noong pinakamalaking size. Para sure na raw na hindi ko siya aawayin. Pagkauwi sa bahay ay agad akong umupo ng pasaldak sa may sofa. "Boyfriend mo na ba iyon, Ate?" pagtatanong ni Hux. May hawak siyang doughnut at nilalantakan iyon. Pumiling ako. Umupo siya single sofa. "Manliligaw?" Napatigil ako. Hindi ko rin alam eh. Ano nga ba kami ni Markian? Nag di-date lang hindi ba? "Ang gulo naman." Saka siya napabuntong-hininga na akala mo ba ay porblemado talaga siya. "Naku, Hux. Bata ka pa kaya huwag mo munang isipin ang mga ganyang bagay," pagbabawal ko sa kanya. "Tanda ko na kaya." Saka siya umalis. Nagtungo na sa kusina. Malamang ay iinom na dahil sinubo niya ng buo ang hawak niya. Nilamon ba naman. Lumipas ang mga araw at nag-ready na ako para sa trabaho. Marami pa akong bagong naka schedule na gagawin. Uumpisahan ko na rin ang iba kahit may kalayuan pa naman ang due date. Wala namang uniform sa pinagtatrabauhan ko. Pero required na naka skirt kaming mga babae at sa lalaki naman ay slacks. Sa pang itaas naman ay polo shirt, polo, long sleeve, or may blazer. Bastat hindi masyadong revealing. Sa lalaki ay same lang din. "Bumili ako ng kape." Ibinaba ni Nikki ang kape sa aking la mesa. Siya ang bestfriend ko. "Thanks." Saka ako kumindat sa kanya. "Libre ko na iyan dahil blooming naman ang love life ko." Tapos ay humagikgik siya ng malandi. Napangiwi ako. "Same pa rin ba? O baka naman iba na," turan ko. Siya kasi iyong tipo ng babae na iba-iba ang ka-date. Hindi ko naman siya ma ju-judge dahil may pinaghuhugutan naman talaga siya. She chuckled. Maarte niya pang ini-sway ang kanyang isang kamay. "Syempre iba na. Iyong manager sa café sa ilalim." Saka pa siya napatakip sa kanyang bibig. Kilig na kilig. Napahinga na lang ako at pumiling sa kanya. "Kaya naman pala," turan ko at itinaas ang kape na binili niya sa akin. "Sana magtagal na iyan ha." She just playfully rolled her eyeballs and go back to her table. Binuksan ko na ang computer ko rito at binuksan na iyong file. Nag-proof read muna ako bago iyon ituloy. Mahirap na at baka hindi maging connected ang idudugtong ko ano. Mabawal pa ako sa head. Nang mag lunch na ay sabay kami ni Nikki na nagtungo sa cafeteria. Dati ay nagbabaon ako. Ang kaso ay hindi ko na iyon mabigyan pa ng panahon. Si Manang naman ay magluluto pa lang ng alas nuebe para kay Hux. "Gusto ko ng gg," usal ko. "Ako rin," saad niya. Kaya naman iyon ang binili naming dalawa. Pumili pa ako ng sabaw ng mais. Masarap i-partner iyon sa gg. Mabuti na lamang ang lunch namin ay isa at kalahating oras. May kahabaan at pwede pang mag-retouch. "Anyway, nabalitaan mo na ba?" pang chi-chismiss niya. Nilunok ko muna ang kanin sa bunganga ko bago ako sumagot sa kanya. "Ang ano?" Mukhang out dated na ako sa mga balita rito sa office ha. "May bagong partnership yata. Narinig ko kaninang papasok ako." "Oh talaga? Normal lang naman iyon para mas lumago ang company." Saka ako nagkibit-balikat. "Eh. Hindi naman 'yun ang point ko." "E'di ano?" "Gwapo raw iyong bagong partner. Tapos mamalagi siya rito sa office. So may chance na makita natin siya araw-araw." Saka pa siya tumili na narinig lang naming dalawa. Napapiling na lamang ako. "Ikaw ha, Nikki. Mayroon ka ng café boy. Maghunos-dili ka," bawal ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng isang kilay. "E'di para sa'yo na lang ang bagong partner. Para naman mag-bloom na ang love life mo." Then she winked at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD