{Shiastelle} Chapter 37: Energized

2444 Words

Napanganga si Mama sa kanya. Ilang segundo siyang ganoon kaya naman kinalabit ko na siya. "Ma," tawag ko sa kanya. Napakurap siya at tila musmos na napabaling sa akin. "Ha?" "Ayos ka lang?" "Ang gwapo ng nobyo mo, Shia," malakas na sambit niya. Napatingin ako kay Lynusdrei. Namula ang mukha niya at napakamot sa kanyang batok. Nahihiya siya. "Syempre naman, Ma. Kaya nga bagay kami eh," biro ko. Nag-thumbs up si Mama. "Nice one." Pinapasok na niya kami sa loob. Nakita kong natutulog si Papa. Nakaawang pa nga nang kaunti ang kanyang bibig. Pinaupo kami ni Mama sa may L-shape na sofa. "Mamaya na lang kita kakausapin kapag wala na ang gwapo mong nobyo," bulong ni Mama at humagikhik pa. Kinikilig siya. Napatawa ako dahil doon. Sabi ko na nga ba at magugustuhan ni Mama si Lynusdrei.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD