Pagkatapos ng pagpunta ko sa bahay niya at pagkatapos ng nakakabiglang pag-uusap na iyon ay nanatili pa rin kami sa nakasanayan namin. Malapit pa rin kami sa isa't isa. Hindi ko naman siya pwedeng iwasan ng dahil sa nangyaring iyon. Napatitig ako sa mga bulaklak dito sa garden namin. Hinaplos ko ang petal at napaisip. Kagabi ko pa iniisip ito. Paano kung ito na ang right timing? I mean, I really like him when I was in college. Kapag nakikita ko siya noon ay kumpleto na agad ang araw ko. Kapag naman nakikita ko siyang may kasamang ibang babae ay tila nababasag ang aking puso. Malalim na ang nararamdaman ko sa kanya noon. Pinilit ko lang tanggalin dahil mali. Hindi pwede. Kaya naman binuksan ko ang puso ko sa ibang lalaki. Pero kahit ganoon ay naiisip ko pa rin siya. Pero wala na

