Nanumbalik ang maaliwalas niyang mukha. Nag-order na siya at naiwan ako sa may table namin. Tinanaw ko ang labas. Napakaganda ng tanawin. Kung sanang pwedeng ganito na lang araw-araw. Pero alam ko naman na hindi pwede. Lahat ay nagbabago. Lahat may hangganan. Nakabalik na siya dala-dala ang tray. May cold coffee roon. Magkaiba ang flavor namin. Mayroon ding tinapay. Binaba na niya ang pagkain at inumin sa may la mesa bago umupo. "Bakit hindi tayo pareho ng order?" taka kong tanong. Madalas naman ay pareho kami ng kinakain. "Baka kasi magsawa ka sa sa'yo. Pwede kang makiinom at kumuha sa akin," sagot niya at inilagay na sa harap ko ang akin. Napatango ako. "Thank you." Nagtagal kami ng isang oras doon. Nagkwentuhan kami tungkol sa kung ano-ano. My mind is so relax while I am tal

