Chapter 17 "Ate, hindi mo siya pineperahan diba?" biglang tanong ni Bree kaya binato ko siya ng unan nang makabalik kami sa hotel room namin matapos ang mahabang araw. "Ouch, Ate!" angil niya kaya agad ko siyang inirapan. "Of course not! I have my own money!" angal ko kaya napatawa siya ng mahina. "Fine! I'm just asking. Awayin mo ako ipagkakalat ko sa press ang tungkol dito," banta niya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. And my evil half sister is smirking like she found something that could defeat me. At ang oras namin sa Singapore ay madaling naubos na ayaw ko pa sanang mangyari pero wala na akong magagawa. We only have a couple of hours until our flight back to the Philippines. I have this will to cancel it because Aizen offered that we should just come with him. He has

