Chapter 10 "Mama, I have no work. I am sleepy!" inaantok na sabi ko sa tumapik sa pisngi ko saka mas lalong niyakap ang unan. I want to sleep more! "Mama, it's my free day!" Angal ko ulit kasi hindi tumigil ang pagtapik. Ngumuso ako saka mas lalong tinago ang mukha ko sa mabangong unan na yakap-yakap. Pero bigla akong napamulat nang maalala kung nasaan ako. Inamoy ko ang unan at amoy lalaki 'yon, nakakaadik na amoy ng isang lalaki. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa hiya at doon ko nakita si Aizen sa parang bored na bored na nakatayo sa harap. Napalunok ako saka conscious na pinasadahan ng kamay ang buhok at mukha ko para maging presentable. "S-sorry, I fell asleep," tarantang sabi ko saka napalingon sa likuran at kitang-kita ko ang night view ng city lights sa labas. Napaawa

