Chapter 19 "Aira, please," sabi ko sa mababang boses kaya marahan siyang tumango. Hinila ko siya papasok sa loob pero ganoon pa rin ang itsura niya. Gulat at hindi makapaniwala. "Aiz," sabi ko at mukhang naintindihan niya naman kaya tamad siyang naglakad pabalik sa kwarto. Napabuntong hininga ako saka nilingon ni Aira. "I trust you Aira," mahinang sabi ko kaya dahan-dahan siyang tumango. "O-po," I sighed and nodded. "Kung anong nakita mo sana wala nang makaalam pa na iba. You know my work, ikaw ang kasama ko sa halos araw-araw. Aira, I am tired." Napakurap-kurap siya saka tumango ulit. Tiningnan ko ang mga dala niya at nang makita ko na groceries 'yon napangiti ako ng marahan. "That's Aizen Santibañez, you knew him?" tanong ko kaya tumango siya ng marahan. "Nabasa ko po sa magazi

