Chapter 30 "Joyce! Stop running!" napatigil ako sa pagtakbo nang may marahas na humawak sa palapulsuhan ko kaya malakas ko siyang tinulak pero mas lalo niya akong hinila papalapit sa katawan niya. "Aizen, let go of me!" umiiyak na sigaw ko kaya umiling siya ng ilang beses habang namumula na rin ang mga mata. "Baby, please—" "Let me go!" sigaw ko ulit saka nagpumiglas pero mas lalo niya akong hinigit kaya napasubsob ako sa dibdib niya at doon na tuluyang nanghina. Mahina kong sinuntok ng ilang beses ang dibdib niya habang malakas na humahagulgol. "Baby, let me drive you home. I'll make this right, please," paos na bulong niya pero wala akong ibang sinagot kundi hagulgol na lang. Iniisip ko pa lang na nakabuntis siya ng iba nasasaktan na ako. Alam ko kung anong gawain niya bago niya ak

