ANG INGAY at hiyawan na pumupuno kanina lang sa buong battle arena ay biglang nawala dahil sa kakaibang laban na napapanuod nila, lahat ng mga nunuod ay nawalan ng imik dahil ayaw nilang ma-miss ang bawat kaganapan sa loob ng battle arena. Kahit si Demon na salita ng salita dahil sa unang nakita nila sa laban ni Tad ng magsimula ang laban, ay nawalan ng imik habang pinapanuod si Tad na nakakasabay sa bawat atake ni Caius sa dito. Hindi lang laban sa pagitan ni Killdren at Fien ang nag-iinit sa loob ng battle arena na parehas atas ang lakas, bilis at kilos na pinapakita sa laban nila. At dahil kailangang hindi maging pabaya si Tad sa laban nito kay Caius ay nag pokus na ito sa laban at hindi na nagpa distract sa ibang bagay hanggat hindi nito napapataob si Caius. May pagkakataon na pag n

