MATAPOS ang paghahabol nina Tad sa dalawang assassin ng mga doctor niya na hindi nila nahabol ay bumalik na sila sa ospital niya, pagdating nila ay agad nilang nakita ang kotse ng mga pulis at ambulansya kung saan nakita na nilang nilalabas ang katawan ng walang buhay na si Doc. Hernaez. Hindi rin pinalampas ng mga media ang nangyari dahilan kung bakit nagkukumpulan sila upang makakuha ng scoop sa nangyaring pagpatay sa isa na naman niyang doktor. Pagkatigil ng kotse ni Ford ay agad na bumaba si Tad na ikinalingon ng mga pulis at reporter sa kaniya, akmang lalapitan siya ng mga reporter ng agad umaksyon ang mga pulis at hinarangan ang mga ito. “Ang mga taga media talaga, hindi pwedeng walang makukuhang chismiss. Bilis nilang umaksyon ah infairness.”kumento ni Sergio na kalalabas lang ng k

