"Tangna mo, Santileces, mamatay ka sana kakatawa mong gago ka." Matapos maibigay nina Demon at Ayane si Cassano kay Valdemor at malaman nila na ang hacker/tracker na katulong nila sa mission ay isang babae at hindi lalaki tulad ng pakilala ni Hale sa kanila. Nasa biyahe na sila papunta sa airport para bumalik at gumawa na ng hakbang para pigilan ang Uncle ni Ayane sa plano nito sa clan ng Hayazawa. "Sorry Mondragon but pffft! Hahahahaha tangna kasi ang reaksyon mo kanina ng malaman mong babae si Franco." pigil ang tawang saad ni Hale kay Demon na sinamaan siya ng tingin. Gusto man itong batukan ni Demon ay hindi niya magawa dahil ito ang nagmamaneho sa kanila ngayon papuntang airport. "Pakyu ka! Sino bang may kasalanan na animal ka? Sino bang nagpakilala sa kaniya sa amin ha? I respect

