“I need to call someone. If you can please just leave?” Umangat ang kilay ni Jarred. Halos hindi siya makapaniwala kung gaano kalamig ang damdamin ng pasyente. Naiinis niyang kinastigo ang sarili nang isipin niyang ngingiti ito sa kaniya bilang pasasalamat. Ni hindi nga niya inisip na sasambitin iyon ng babae. He can settle for just a simple smile yet hindi iyon nangyari. You’re such a plaster saint, Jarred. Dahil sa inis, wala pang sampung minuto at kaagad siyang bumalik sa loob ng silid. Naabutan niya pang seryosong nakikinig si Astra sa kung sinuman ang kausap nito sa kabilang linya hanggang sa mabilis na lamang nitong pinutol ang pakikipag-usap dahil sa biglaan niyang pagpasok. Halata din ang pagkaka-irita nito dahil sa kaniyang ginawa. "Hindi ka ba marunong kumatok, Dr. Laurente

