Pigil na pigil ang ngiti ni Jarred samantalang nagngingitngit naman ang loob ng dalaga. Kung ilang beses pa nitong sinubukang kumbinsihin ang lalaki na hindi ito ang tamang taong dapat mag-alaga sa kaniya pero hindi siya nito pinapansin. Idagdag pa’ng nalaman nito na hindi naman talaga masama ang tama nito. Pero wala pa ring nangyari. Sa huli, ang lalaki pa rin ang nagtagumpay. Iniisip na lang ni Astra na matapos ang isang linggong hinihingi nitong panahon, tuluyan na siyang tatantanan ni Jarred. Nang maipasok nito ng tuluyan ni ang mga gamit sa loob ng sasakyan, nagtataka itong napatingin sa babae na noo’y nakaupo na sa driver’s seat. “What are you doing?” Kunot-noong tanong nito na sinagot naman ng babae ng pabalang. “I’m driving. Alangan namang ikaw e di ba nga “malala” ang kondisyo

