Hindi naiwasan ni Pascal ang mabulunan mula sa iniinom nitong tubig nang makitang bumababa sa hagdanan si Astra. Cedrick on the other hand remained stoic pero halatang alangan din at tila nagpoprotesta ang mga mata dahil sa nakikitang suot ng dalaga. “Do you really need to wear that s**t?” Umangat ang isang kilay ng dalaga sa angil ni Pascal. “Alangan namang magsuot ako ng konserbatibo sa s*x den na ‘yon, Delana? Let me remind you na isa sa requirements nila para makapasok ang mga babaeng customer is to wear this kind of sh*t.” Tumikhim si Cedrick. Halatang ayaw makisawsaw sa kanilang argumento pero tila hindi rin makatiis. “We can just think of other way para maharap mo ang taong iyon, Lady X.” “And why is that? Wala kayong tiwala sa akin?” Hindi nito alam kung bakit sa isang iglap

