"Hija.. Diba kailangan mo ng trabaho ngayon?" ito ang bungad ni myrna nang dalawin nya si Luna sa Hospital, parang anak na nga kung ituring si luna ng ginang palibhasa'y kaibigan sya ng ina.
"opo tiya, ngunit ang sabi nyo po ay personal niyang katulong ang hinahanap ng amo nyo?baka mapabayaan ko na ang inay kung tatanggapin ko iyan?" nagpapaintining ani Luna.
"Baka kasi tangalin ako ng Boss ko kapag wala akong naiharap sa kanya bukas " malungkot na anang ginang ." Sige na anak pumayag kana?" pangungumbinsing muli ni Myrna. " Ako na lang siguro ang bahala sa inay mo kapag wala ka.."
Nang umaga ngang iyon ay hinatid ni Myrna ang anak ng kaibigan nya sa mansyon ni Gideon, eksakto kasing linggo at walang pasok sa opisina.
Dahil medyo mataas ang katungkulan ng ginang ay kilala na sya ng mga gwardya at ilang katulong sa mansyon, dumeretso sila papasok hanggang sa marating nila ang napaka lawak na pinto, kulay itim iyon at may dalawang silver na handle
Kumatok si Myrna.
"Come in" Isang baritonong boses ang nag salita sa loob ng kwarto, nanatili si Luna sa likod ni Myrna kahit na may saloobin sya at iyon ay...
'parang pamilyar ang boses na iyon..' napaisip sya nang marinig si Gideon sa loob ng kwarto nito.
LUNA'S POV
Dahan dahang binuksan ni Tiya Myrna ang malawak na pintuan ng kwarto kung saan naroon ang lalakeng nagsalita.
"S- sir..kasama ko na po yung bagong maid nyo."pakilala ng Tiya sa akin sa amo nya.
"Okay, makakaalis kana." simpleng anito, habang hindi nag aangat ng tingin at tila abala padin sa pag susulat sa malaking itim na mesang kaharap nya.
Naipit ko ang labi ko nang hunakbang ang tiya para iwan ako.
natatakot ko pa syang nilingon ngunit nginitian nya lang ako na tila pinalalakas ang loob ko.
"What's your name?" paunang tanong ng lalake tsaka ko lang naibalik ang paningin ko sa kanya.
Napalunok yata ako ng Tatlong beses dahil sa taglay nitong ka gwapuhan.
"G- -Good morning S-sir." Napalunok ako, sanhi din ng pag kautal.
Natanaw ko ang mata ng lalake na tila na niningkit at kinikilala ako.
"Good morning- -" tatango-tangong bati pa nya sa akin.
Tila Napangiti pa nga ito ng mapagmasdan ako.
"She is Luna- -" hindi naituloy ng tiya ang sasabihin nang putulin iyon ng lalake.
"Let her introduce herself Myrna...Makakalabas kana." masungit na anito kay Tiya na naroon pa pala sa likod ko.
Parang Nawala tuloy yung ngiti nito at napalitan ng seryosong reaksyon.
"have a sit." tukoy nya sa upuan na kaharap ng mesa nya. "Tell me about Yourself." ma awtoridad na anito pa sa akin.
"A-ako po si Luna Santos.." nauutal na saad ko habang nakababa ang paningin, hindi ki maiangat iyon dahil nahihiya ako.
"Hmmm i see.." tila walang pakialam na sagot nya. " and what happen last night?" curious na aniya na ikina angat ng ulo ko. " umuwi ka ba after natin?" natigilan ako,
ano kayang sinasabi nya?
Siguro ay napansin nya na hindi ko sya maintindihan kaya't bumungisngis sya dahilan para matanaw ko ang mapuputing ngipin nya, tila lumala pa ang kagwapuhang taglay nya.
"Forget it." aniya nang kumalma, maya maya ay kinuha nya ang cellphone sa harap ng mesa nya tsaka iyon tinipa, mukhang may tinawagan." Manang letty?" paunang aniya. "Come and get in my office." anito tsaka ibinaba ng cellphone, muli nyang itinuon sa mga papel ang mga mata nya." hindi mo'ko matandaan? "natanaw kong tumaas ang kilay nya, hindi ko mahulaan ngunit tila may lamang panghihinayang nag tono nya. " we already met before.." aniya na naman na ikinataas ng balikat ko.
Saan at kailan?
"Naipagamot mo ba ang mama mo?" nilingon nya ako dahilan para matanaw nya ang nanlalaki kong mata, Sya kaya iyong nasa barr?
Naningkit ang mata nya tsaka gumalaw-galaw ang balikat nya at mukhang tumatawa. "Finally you noticed me."
Huminto lamang ang pagtawa nya nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang matandang babae na naka salamin at magkahalong puti't itim ang kulay ng buhok nito.
"Sir Dion.." bungad tanong nang matanda. " ano't napaka lakas ng pagtawa mo?" nakangiting anito pa. " oh?" nilingon nya ako." dahil ba iyon sa napaka gandang dalaga na ito?" tila ba ako ang pinapatungkolan.
Natanaw ko ang pangungunot ng noo ng Gideon na ito tsaka umirap.
"N-naku..h-hindi po, sadyang- - -" hindi ko iyon natapos nang tumayo sya sa kinauupuan nya.
" pakituro sa bagong kasambahay na iyan kung ano ang mga gagawin nya."
Masungit na anito tsaka naglakad palabas.
Umugong ang masaganang tawa ng matanda. "ipagpaumanhin mo hija, ngunit mabait naman ang batang iyan." nakangiting anito pa.
"Halos ako na ang nagpalaki sa kanya mula nang maiwanan sya ng mommy nya kaya't kabisado ko na ang ugali ng batang iyan." saad ni aling letty habang tinutungo namin ang hagdan patungo sa second floor.
"Nasan po ang mommy nya?" umiiral ang kuryosidad ko kaya't nasabi ko iyon.
"Sumama sa ibang lalake at hindi na bumalik pa." malungkot na aniya tsaka binuksan ang gintong door knob ng kwartong kaharap namin.
"Ito ang kwarto ni Sir Dion Hija," puros mga itim at puti ang karaniwang kulay ng kwarto, ngunit ang mamahaling kama ay kulay beige yata na tila napaka sarap higaan."ang pinaka ayaw nya ay iyong nahihiga sya nang hindi naka ayus ang kumot at unan nya." bilin na saad pa ng matanda kaya't tumango na lamang ako, napalinga ako sa picture na nakapatong sa mini shelf kung saan naroon ang mga makakapal na libro.
"Si Sir Eros, Saver at sir Dion ang mga iyan.."pakilala ni Manang,
Parang pamilyar sila..
Humakbang ako palapit doon para matitigan kung sino ang mga nasa picture at halos mapasinghap ako nang makilala ko ang mga iyon.
Nanlalaki ang mata ko nang maalala ko ang sinabi ni Sir Gideon.
Kaya ba tinatanong nya ko kung napagamot ko na ang inay?dahil sya yung nakasama ko sa barr?
Nasa kalagitnaan pa ako nang pag iisip nang may magsalita sa likod ko.
"Nasa tatlong taon na ang picture na'yan nakakapanghinayang naman kung tutunawin mo lang.."
Dahilan para mapa ayus ako nang tayo. "s-sorry po." nasabi ko pa tsaka ko inipit ang ilang hibla nang buhok ko sa gilid ng tainga ko.