"Tita?"saad ko nang makarating sa hospital, ibinaba ko sa mesang naroon ang ilang prutas na kakabili ko lamang sa palengke
"Oh? Kamusta? Mabuti at pinayagan kang umuwi ni Sir Gideon?" Tanong ni Tita Myrna.
"Opo, 3 days po ang binigay nyang off sa akin tita "
"hmmm mabuti naman, palagi ka din kasing hinahanap ng inay mo twing nagigising sya...medyo maayus na ang lagay nya, kaunting gamutan nalang siguro ang gugugulin nya dito." nakangiting saad pa ng Tiya.
"Pasensya na po kayo ah, kung hindi din po kasi ako mag ta-trabaho ay baka mabaon kami ng Inay sa Utang." nahihiyang saad ko, tsaka ko hinagod ang ulunan ng inay at mahimbing na natutulog.
"It's okay, so? Maayus naman ba ang pakikitungo sa iyo ng mga katrabaho mo doon? Wag mo na lamang pansinin si Sir Gideon kung hindi ka nya kinakausap.... talagang sumpungin ang isang iyon at bihirang magsalita...kahit nga ang pag ngiti ay mas madalang pa yata sa pag ligo ng pusa." nanlalaki ang matang saad ni Tiya.
Pero madalas nya naman akong kausapin? Tsaka ngumingiti naman din sya sa akin..Diba?
"hoy!" Kuha ulit sa akin ng atensyon ni Tiya. "sabi ko sayo gwapo si Sir Gideon diba? Pero tyak na hindi ikaw ang tipo nya anak kaya't itigil mo ang pag iimahinasyon mo." natatawang saad ni Tiya na ikinanguso ko.
"tiya naman, oo nga gwapo si Sir Gideon pero hindi naman po aabot sa punto na magkakagusto ako sa kanya."
"Naku anak! Dapat lang no! Hindi ka talaga pwedeng magkagusto sa boss natin! Malalagot tayo pareho niyan."babalang aniya pa sa akin. "Osige na maiwan na kita at may pasok pa'ko bukas.."paalam nya sa akin, tumango lamang ako tsaka sya hinatid ng tingin hanggang sa paglabas.
Siguro ay dala narin nang pagod ay dumukmo ako sa gilid ng higaan ng Ina'y at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Bahagya akong nakaramdam ng pagkailang habang nakapikit ang mata ko tila may matang nanunuod sa akin kaya't idinilat ko iyon, nahagip ng mata ko ang pamilyar na mukha sa harapan ko kaya't kumurap-kurap ako.
Nilinga ko ang paningin ko, naroon ang isang pigura ang lalake naka cross legs sya hawak ang magazine at tila abalang-abala sa pagbabasa kahit baliktad naman iyon.
"s-sir Gideon?" gulat na saad ko, hindi nga ako nagkamali, bahagya nya akong sinilip ngunit hindi nya inalis sa harap ng mukha nya ang magazine kaya't hindi nako nakatiis. " B-baliktad po yung hawak mo ng magazine." alanganing saad ko.
Suminghap sya sandali matapos ay ibinaba ang magazine na baliktad. " ehem" klaro pa nya sa lalamunan nya. " gusto ko lang malaman ang lagay ng nanay mo." saad nya kahit wala pa naman akong tinatanong.
"O-okay naman na po si Inay....uhm sandali po, ibibili ko kayo ng kape." nasabi ko na wala sa ulirat.
nakakahiya ano nalang kaya ang itsura ko?
"How about your mom?" tanong nya sa akin.
"A-ano po...iiwan ko po muna kayo." nauutal na saad ko, balak pa yata nyang sumama sh*t!
"Okay..sure." walang pag aalinlangang saad ni sir Gideon tsaka muling dinampot ang magazine.
Tumungo ako sa isang maliit na Coffee shop, naka upo nako sa mesa at naghihintay sa order ko.
"Luna?" Napatingin ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko, si Troy boyfriend ko.
Naglakad sya palapit sa'kin tsaka tinapik ang balikat ko matapos ay nilahad nya ang palad nya sa akin
"Hala naku, naiwan ko kasi ang bag ko, sakto lamang ang pera na dala ko." kinakabahang saad ko.
Matagal ko na syang gustong hiwalayan kaso lang ay tinatakot nya ako palagi na papatayim nya ako.
"Shut up..." galit na anito. " sa susunod ay hwag mo nang uulitin to ah!" hinablot nya ang pera na hawak ko tsaka mabilis na naglakad palabas.
Napatulala ako matapos kong makuha ang lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng shop, tila nakaramdam ako ng matinding hiya.
"Luna?" Isang baritonong boses na naman ang nagpalingon sa akin na Halos ikalaglag ng panga ko.
"S-Sir..." Nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahang susunod sya rito.
Ang lahat ng mga pares ng mata ngayon ay nakay sir Gideon na, isang mini shop lang kasi ito ngunit nag mistulang grand opening nang pumasok sya suot ang mamahalin nyang Suit na gawa sa Luis Vuitton.
"Ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanya
"I saw what that jerk did to you." Seryosong sabi nito habang titig na titig sa mukha ko.
Ngumiti nalang ako upang pagtakpan ang aking pagkapahiya.
"Here" Iniabot nya sa akin ang isang libo, ngayon ko lang din kasi napansin na narito na pala ang server na naghatid sa order kong kape.
"If a Guy treats you that way.." nilingon nya na naman ako. " you should let him go" Humikab si Sir Gideon na parang antok na antok. " let's drink that here." patungkol nya sa kape.
Nag desisyon kami na dito na nga lang uminom ng kape, tutal ay may mga nurses pala syang ñinag bantay sa inay.
Habang nagkakape kami ni Sir Gideon ay hindi ko maiwasang hindi maglingon sa kanya dahil sa taglay nyang kagwapuhan.
"Sir?" Pukaw ko sa atensyon nya Tahimik lang kasi ito kanina pa.
"Hmm?" Tanong nito habang humihigop ng hot chocolate coffee
"Bakit po ang tahimik niyo palagi?" sa wakas ay nagkaroon din ako ng lakas ng loob para tanungin sya.
"Tahimik ba ako?" lumingon sya sa akin tsaka Napangiti ng tipid.
"Opo sir... Palagi kang tahimik.."
"I'm not aware about that.. Baka ganito lang talaga ako" kibit balikat na sagot nya sa akin. " give me some reason para ngumiti." seryosong aniya tsaka titig na titig sa akin.
"Let's go.. " anyaya niya nang maubos nya ang kape.
Tingin ko ay dapat kong iwasan na mapalapit sa kanya..dahil mukhang nagugustuhan ko ang napaka gandang pag ngiti niya.
Paglabas namin ng coffee shop ay isang babaeng sexy, matangkad at maganda ang biglang yumakap kay Sir Gideon bagay na ikinalaki ng mata ko.
"D*mn Gideon I really missed you!" mahigpit ang pagkakayakap nito kay Sir.
"M-miranda?" gulat padin na saad ni Gigeon, . " let me go miranda!" galit na aniya pa.
Mukhang hindi nya nagustuhan ang pagyakap ng babae sa kanya.
"Who the h*ll are you?!" Napabitaw sa pagkakayakap ang babae kay Sir Gideon, nang malingunan ako.
"She's my girlfriend." walang interes na ani Sir tsaka ako nilingon.
Tila pinipigilan pa nyang mapangiti ng makita ang pagkatulalang reaksyon ko.
"Girlfriend?! This witch?!" tukoy ng babae sa akin.
Nilingon ko si Sir Gideon, nilakihan nya ako ng mata wari'y pinapasakay ako sa pakulong inumpisahan nya.