PHOEBE woke up feeling happy as always. Hinihiling niya lang na sanay ay hindi niya makasalubong ang Stepmother niya. Baka masira agad ang umaga niya sa oras na marinig niya ang nakakainis nitong boses. Atreus barked. Napatingin siya dito. Nginunguso nito ang stainless nitong kainan. Napangiti na lang siya habang naiiling na tumayo. Agad niyang nilagyan ng food ang pagkainan ni Atreus samantalang nilagyan na din niya ng cat food ang pagkainan ni Milaska na ngayon ay tulog pa rin sa kama niya. Humihikab na lumabas ng kuwarto niya si Phoebe pababa sa double staircase pagkatapos ay dumiretso siya sa kusina. Napangiti siya nang makita ang anak ng Stepmother niyang si Aliyah. Kumakain ito habang nakabantay ang maid sa tabi. "Good morning, Aliyah," bati niya rito at agad na lumapit sa fridg

