HINDI makapaniwala si Larid na nakatingin kay Titus habang binabayaran nito ang napiling cell phone na may ngiti si labi. Hanggang sa matapos ni Titus bayaran ang cellphone na binili nito at makalapit kay Larid, halata sa mukha ng inosenteng grim reaper ang kasiyahan nito. "Really, mate? You just bought that cellphone worth of forty-thousand plus and you're not even bothered about it?" Ngumisi lang si Titus sa kaniya kapagkuwan ay inilabas nito sa kahon ang Iphone 5 na binili ito. May kung ano-anong pinindot si Titus sa bago nitong cellphone kapagkuwan ay biglang lumabas ang sarili ni Titus sa screen na talaga naman ikinamangha ng inosenteng grim reaper. "f**k! This thing is freaking real!" ani Titus kapagkuwan ay hinalik-halikan ang Iphone 5 na ikinailing ni Larid habang nahihiyang na

