TITUS blows a loud breath as he opened his room's door and goes out. Agad na naglingonan sa direksyon ang ilang grim reaper na ikinailang niya kapagkuwan ay ikina-kibit balikat niya lang. Ni isa ay wala siyang pinansin sa mga kapwa-grim reaper niya na tumatawag sa kaniya hanggang sa makalabas siya sa 26th Division at nag-teleport papunta sa harap ng mansion ng mga Rhoades. Tinignan ni Titus ang buong mansion na hanggang ngayon ay walang pinagbago sa pagiging marangya nitong tignan. Napailing-iling siya kapagkuwan ay naging invincible para makapasok sa mansion ng mga Rhoades. Una niyang napansin ang bagong Driver na nagka-kape sa kusina bago siya tumuloy sa ikalawang palapag ng mansion papunta sa kuwarto ni Phoebe na nakasirado ang pinto kung kaya't nag-teleport siya papasok sa kuwarto

