Nilalamig at basang-basa na si Phoebe ngunit hindi siya nagpatalo sa panghihina na kaniyang nararamdaman. Habang patuloy na nagtatawag ang kapitan para sa mga pasaherong matatanda at bata, hinila na ni Phoebe si Aliyah at batang lalake kasama niya. Patuloy na naglakad si Phoebe habang hawak ang dalawa niyang kasama nang biglang matumba ang batang lalake na mas lalo nitong ikina-iyak. Pakiramdam ni Phoebe ay maiiyak siya nang makitang giniginaw na sa lamig ang batang lalake nang tulungan niya itong tumayo. "Hey..." tawag niya dito. Ngumiti siya nang tumingin ito sa kaniya na para bang pagod na sa kakaiyak. "It's going to be okay," sabi niya kapagkuwan ay binuhat niya ito. "We are all going to be okay," Phoebe said before gripping Aliyah's hand while carrying the boy in her arms. Binab

