SINAGOT ng pagtango ni Titus ang sinabi ni Larid kapagkuwan ay napatingin kay Kellan na kasalukuyang nakatulala. Bagay na ngayon niya lang nakita sa kaibigan dahil bukod sa nakakaasar nitong ugali kagaya ng pagiging makulit, minsan naman ay seryoso ito lalo na kapag tungkol sa pagiging protective niya kay Phoebe. Right now, he doesn't know what's running on Kellan's mind. It seems like both of his friends became weird after the incident and he doesn't know why, making him more curious of what happened while he is gone. Napabuntong-hininga si Titus kapagkuwan ay muling napatingin kay Phoebe na hanggang ngayon ay namumutla. Hindi niya gusto ang nakikita niya sa dalaga. Nawala ang napakaganda at makinis nitong balat. Nagmukha itong patay habang ang labi nito ay nangingitim na pula. "How

