Malawak ang mga ngiting napilas sa mga labi ni Cleo nang umagang iyon. Today is a new day! May kakaibang saya na umaalipin sa puso niya at kilig sanhi ng hindi makakalimutang alaala na naganap sa kanila ni Calyx sa Adelfa’s Garden. Mahigpit niyang niyakap ang malaki niyang unan at isinubsub roon ang sarili niyang mukha na pulang-pula na sa kilig. Isipin pa lang niya si Calyx ay paulit-ulit na siyang nai-inlove. Tumagilid siya ng higa pakaliwa at inalis ang pagkakatakip ng unan sa mukha. Inimagine niya na limang araw na lang at ikakasal na sila ng lalaki. Gabi-gabi na niyang mararanasang makulong sa mga bisig nito at uma-umaga na siyang magigising sa tamis ng halik nito. ‘Oh, Calyx, mahal na talaga kita!’ kinikilig na bulong niya sa sarili. Tumingin siya sa relong nakasabit sa dingding n

