Halos tatlong minuto din ang itinagal ng pananatili ni Cleo sa loob ng taxi bago ipasyang bumaba. Iniabot muna niya ang bayad at ang karagdagang tip para sa abala ng butihing driver bago niya binuksan ang pinto at lumabas roon. Nag-exhale-inhale muna siya bago gawin ang unang hakbang patungo sa Brillante Tower. Hindi nga siya nagkamali, hindi pa siya lubusang nakakalapit ay kita na niya ang ngiti ng mga guards na naroon. "Good afternoon, Señorita Cleo," bati ng nakatukang guards sa entrance. Hindi na siya hinarang ng mga ito hindi katulad noong unang punta niya roon. Ginantihan niya ng ngiti ang pagbating iyon. "Huwag n'yo sasabihin na narito ako," inunahan na niya ang mga guards dahil baka itawag pa ng mga ito kay Calyx ang pagdating niya. Tumango naman ang mga guards bilang pagtal

