LARA
“HAY!” isang malakas na paghinga ng malalim ang nagawa ko matapos ko ang lahat ng papeles na ipinapaincode sa akin.
“Grabe namang pag-uunat yan parang kasama buong kaluluwa mo diyan ha!” rinig kong pang-aasar ni Ame sa akin sa kabilang cubicle.
Marahan ko siyang sinilip at nakita kong nakatutok pa rin ang mata niya sa computer niya, kanina pa tapos ang bruha na yan e– nauna pa sakin yan pero dahil ayaw madagdagan ang trabaho niya ay kunwari busy pa siya.
“Wala ka kasing kaluluwa kaya hindi mo alam ang feeling,” usal ko na agad ko ring ikinatawa dahil sa mabilis niyang reaksyon.
Mabilis siyang napatingin sa akin na akala mo, may sinabi akong hindi maganda sa kanya– e totoo naman na wala siyang kaluluwa.
“Hoy! Lara, kapag sinapak kita diyan, mawawalan ka rin ng kaluluwa!” banta nito na ikinatawa ko lang. Alam ko naman kasi na hindi niya tototohanin kaya tatawanan ko na lang siya.
“Whatever!” usal ko sabay tingin ulit sa computer ko, nakarinig pa ako sa kanya ng kaunting rant bago tuluyang tumahimik.
Eto naman na ang naging buhay ko simula nang magtrabaho ako dito sa ACG, actually tatlo dapat kami e, kaso yung bunso namin kinuha sa office of the president kaya naman kami na lang nandito.
“Ame, diretcho uwi ka na ba?” tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa computer ko, marahan na rin akong tumingin sa oras at nakita ko na limang minuto na lang pala bago mag-uwian.
“Hindi, may kadate ako,” saad niya kaya agad akong napatingin sa kanya habang kunot na kunot ang noo ko.
“Hoy! Anong kadate? Sinong kadate mo?”
Narinig ko lang naman siyang tumawa bago ako sinulyapan. “Larabels! May kadate ako ‘no? Hindi halata pero maraming naghahabol sa akin na papabols. Para kaya akong si Esha baby, laging may secret admirer!” usal nito na agad kong ikinatawa kaya naman agad rin akong nakaramdam ng pagsabunot sa buhok ko.
“Secret admirer? Baka kamo daming reserve sa dating app,” biro ko kaya ang kaninang sabunot ngayon ay may kasama ng hampas.
Sanay naman na sakin si Ame na lagi kong binibiro sa mga ganyang bagay, kahit naman rin ako ay nasanay na sa kanya dahil kami nga lagi ang magkasama.
Matapos namin magbiruan ay nagkanya kanya na rin kami ng ligpit ng gamit dahil uwian na at may date pa nga itong kasama ko.
“Mauna na ako, Larabels! Ingat ka pauwi ha! Magmessage ka sakin kapag nakauwi ka na, okay?” usal ni Ame nang makababa na kami ng lobby.
“Oo na,” kunwari’y naiiritang tugon ko sa kanya na ikinatawa lang naman niya. “Mag-ingat ka rin ha! Panigurado naman na ‘yang kadate mo nakuha mo lang sa dating app,”
Agad akong nakaramdam ng hampas mula sa kanya dahil sa sinabi ko. Katulad nga ng sinabi ko kanina– hindi na kami magkakainisang dalawa dahil sanay na kami sa isa’t-isa.
“Isigaw mo pa! Bilis, lakasan mo nang mawala ka na dito sa mundong ibabaw,” gigil na usal nito na sinamahan pa ng panggigil sa braso ko. “Ichachat kita kapag nakita ko na yung kadate ko tapos magpipicture kami para naman kapag hindi mo na ako nakita bukas– alam mo kung sinong kumuha sa akin–”
“Hoy! Hindi magandang biro iyan…” mabilis kong putol sa kanya na ikinagulat rin niya. “Kung duda ka sa kadate mo, sama na lang ako sayo,” usal ko na bigla niyang ikinangiwi.
“At bakit ka sasama? Date nga e! Hindi need ng chaperone!” pagtataray niya sabay tulak sa akin.
“Para incase na katayin ka– dalawa tayo,” usal ko na ikinalaki niya ng mata.
Mabilis naman akong napatakbo palayo nang makita kong huhubarin na niya yung sandals niya.
“Dimunyu ka talaga! Umuwi ka na!” nanggigil na sigaw niya na tinawanan ko lang naman bago muling tumingin sa kanya at kumaway-kaway bilang paalam, sinamahan ko pa ng kaunting pagdila para naman mas lalo siyang maasar na hindi naman ako nabigo.
Matapos kong kumaway-kaway sa kanya, agad na rin akong lumakad papuntang sakayan para makauwi sa apartment na tinutuluyan ko.
Simula nang makapagtapos ako ng pag-aaral ay pinilit kong pumunta dito sa Maynila kahit pa nagsinungaling na ako sa pamilyang Cromwell lalo na kay Lolo Joe at Lola Annie nang sabihin ko na kokontakin ko si–
Ano nga ulit pangalan ng lalaki na ‘yon? Nakalimutan ko na kasi, hindi naman kasi kami nagsama ng matagal siguro mga tatlong oras lang kaming nagstay sa iisang kwarto tapos ininsulto lang naman niya ako tapos lumayas na.
Hindi ko makakalimutan lahat ng pinagsasabi ng lalaki na iyon kaya kahit pangalan niya, hindi ko talaga tinandaan.
Matapos kasi ng kasal ko sa lalaking iyon ay agad akong kinuha ng mga Cromwell para dalhin sa mansyon nila– kahit anong iyak ko non kay mama ay hindi na rin siya nakapagsalita pa dahil wala naman siyang boses pagdating sa desisyon nila daddy dahil sila daddy naman talaga ang totoo kong magulang at pinaalaga lang ako kila mama dahil ayaw akong makita ng mommy ni Althea.
Mabuti na nga lang at ang bait nila Lola Annie sakin– actually hindi lang sila lola pati na ang buong Cromwell… mas tinuring pa nila akong pamilya kesa sa totoong pamilya ko.
Ayon nga lang ay ayokong umasa sa pamilya niya, tama na yung mga binanggit niya sakin nung gabi na iyon. Ayokong manalo siya sa mga sinabi niya sakin– hinding-hindi ko hahayaan na manalo siya.
MALALIM akong napahinga nang makapasok ako sa kwarto ko at agad na binagsak ang katawan ko sa kama. Hindi pa man ako nakakapagpalit o nakakain parang gusto ko na lang matulog.
Kahit encoding lang naman talaga ang ginawa ko nakakapagod pa rin iyon lalo na at nakaharap ako sa computer.
Papikit na sana ang mata ko nang bigla kong narinig na tumunog ang cellphone ko kaya naman tamad na tamad akong tumayo para lang makuha sa bag ko. Kahit pagod ako, ayoko naman na hindi sagutin lalo pa at baka sila mama o kaya si Ame o kaya si Esha.
Napataas naman ang kilay ko nang makita kong unregistered number ang tumatawag sa akin.
“Imposibleng si Ame ‘to kasi paniguradong hindi pa tapos ang date non… so, sino naman kaya ito?” kausap ko sa sarili ko habang nakatitig sa screen ng phone ko.
Malalim muna ang paghinga na ginawa ko bago iyon marahan na sinagot, hindi muna ako nagsalita at hinayaan ko lang na magsalita ang nasa kabilang linya na medyo matagal ang hinintay ko.
“Where are you, illegitimate child?”
Agad na kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses nito, muli kong tinignan ang number. Saan nito nakuha ang number ko?
“Nasa kawalan, malayo sa katulad mo,” tugon ko at mabilis na pinatay ang tawag.
Mabilis kong ibinato ang cellphone ko sa higaan ko bago kinuha ang tuwalya ko. Maliligo muna ako para naman mawala ang biglaang pag-init ng ulo ko.
“Ako ang tinatanong kung nasaan? Siya kaya ang umalis ng tatlong taon? Baka sapakin ko siya ng malala,” saad ko sa sarili ko habang nagsashampoo ng buhok ko.
Atska bakit ba bigla-bigla na lang siyang magpaparamdam, sigurado akong binigay ni lola ang number ko sa kanya na dapat hindi naman dahil ayaw naman ng lalaking iyon sa akin.
“Ano naman kung nasaan ako? Ang mahalaga nasa malayo ako! At hindi malapit sa katulad niyang– baka mabahiran pa ng kahirapan ang pagkatao niya,” saad kong muli bago binuksan ang shower– hinayaan kong tanggalin ng tubig ang sabon at balutin ang katawan ko.
“HINDI ko na nga gustong magpakasal, substitute pa ang napakasalan ko– much worse illegitimate child who is living with a servant!” rinig kong maktol nitong lalaking ito.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo dito sa kama ng kwartong pinagdalhan niya sa akin. Hindi ko nga alam dito, bigla na lang akong dinala sa sasakyan niya tapos ang bilis-bilis magmaneho na akala mo may pulis na tinatakasan.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin nang bigla itong tumingin na nanlilisik ang mata. Sinubukan kong ibalik ang tingin ko sa kanya– agad naman akong napaayos ng makita kong nag-umpisa itong maglakad papunta sa pwesto ko.
“Anong gagawin mo? Umayos ka!” matapang na saad ko habang nakaharang ang dalawang kamay ko sa harapan ko pero parang wala lang sa kanya yon dahil patuloy pa rin siya sa paglalakad palapit sakin.
Mabilis akong nitong tinulak pahiga sa kama, akmang sisigaw ako nang mabilis niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang malaki niyang kamay, agad niya ring nahuli ang kanang kamay ko nang akmang itutulak ko siya at mabilis inilagay sa taas ng ulunan ko habang ang kaliwang kamay ko ay inipit ng hita niya. Hindi ko magawang makapagpumiglas dahil sa bigat at higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
“I won’t do anything to you, lady. I don’t like people like you– poor, desperate, weak. And I will never give my sperm to you… I don’t want my child to be the child of an illegitimate daughter. And if you are wondering why I’m strong and don't look like dying– let me tell you this, I’m not dying. I’m f*cking healthy like you, I’m not dying… you will never get any benefits from me, you will stay poor until you die! Because that’s your destiny–”
Bawat salita na binibitawan niya ay parang punyal na tumatama sa akin. Wala akong pake sa pagiging mahirap ko dahil sanay na ako doon dahil simula nang mamulat ako ay mahirap na ang buhay ko… hindi ko naranasan na magkaroon ng katulad ng buhay ni Althea kahit pa kapatid ko siya at ay parehong dugong dumadaloy samin pero hindi ko hahayaan na mangyari ang sinasabi ng lalaking ito sakin.
Kahit hirap na hirap ay pinilit kong makapagpumiglas para lang makaalis sa ilalim ng lalaking ito na hindi naman ako nahirapan dahil siya mismo ang umalis sa itaas ko.
“Mali ka! Hindi ako mamatay na mahirap at papatunayan ko yon sa pangit mong pagmumukha! At sabi mo, hindi mo hahayaan na magkaroon ng anak sa katulad kong anak sa labas? Wag kang mag-alala, ayoko ring magkaanak sa unggoy na katulad mo! Ako, mahirap lang pero may puso— ikaw? Mayaman ka nga, ang sagwa naman ng ugali mo! Sayo na yang pera at ari-arian mo, saksak mo sa baga mo kapag hindi nagkasya, lagyan mo na rin pati ulo mo– baka sakaling makabili ng utak!” puno ng inis kong saad sa kanya.
Mabilis kong pinunasan ang luha kong nararamdaman kong tumutulo dahil sa mga pinagsasabi niya. Hindi naman kami magkakilala pero kung husgahan ako ay abot hanggang langit parang akala mo ay kilala niya ako mula bata ako!
Kahit kailan hindi ko ginustong maging anak sa labas. Minsan ipinapanalangin ko na sana hindi na lang ako anak sa labas, sana anak rin ako ng buo nila daddy. Na sana anak na lang talaga ako nila mana pero anong magagawa ko, isinilang ako bilang anak sa labas…
At yung pagiging mahirap? Hindi kami mahirap… hindi mahirap sila mama– mayaman sila, mayaman sila sa pagmamahal at respeto. Hindi pera ang basehan ng kahirapan para sa akin kung hindi ang katulad nitong lalaking ito na walang modo at respeto sa kapwa tao niya.
“That's what poor people alway say… puso? What will puso can buy?” usal nito na sinamahan pa ng pang-iinsultong tawa.
Mabilis siyang tumalikod sa akin at agad na naglakad papuntang pintuan.
“Do whatever you want. Finish your study, stay here or have a boyfriend. I don't actually care,” usal niya at mabilis na lumabas ng kwarto.
SIMULA nang gabi na yon, hindi na kami nagkita ulit tapos ngayon magpaparamdam para lang man lait?
“G*go ba siya?”