Tahimik lang ako sa sasakyan ni Judd habang nasa biyahe kami pauwi sa bahay namin. Suot ko pa din yung damit ko kagabi dahil wala naman akong dalang pamalit. Buti pa itong mokong na ito at spare na pang-itaas dito sa sasakyan niya. "Hey, sweetie. Ang tahimik mo naman," narinig kong sabi ni Judd. Tiningnan ko ito at saka inirapan. Ang mokong at nakakangiti pa pagkatapos niya akong isahan kagabi! Baka akala niya okay lang sa akin ang nangyari? Mabuti nang magkaintindihan kami. Pwede naman kaming maging mabuting mga magulang kay Cassandra kahit na hindi kami magkasama sa iisang bahay. He may not be a good husband to me pero pagdating kay Cassandra wala akong maipipintas sa kanya. And they are getting along very well. Pwede ko na iwan iwanan si Cassandra sa k

