" Are you okay?" Tanong ni sir Brent. Nakita ko pa na napatingin si sir Anton sa rear view mirror kaya napayuko ako.
How could I be okay? I want to say it back kay sir Brent pero bastos naman iyon. Jusko naman! Talagang unang araw ko sa trabaho ay yung taong iniiwasan ko pa ang makikita ko? Bakit naman ganito ako pag laruan ng tadhana? Gusto ko lang naman mag-aral at magtrabaho para kay Riley pero bakit ganito ang napasok ko?
I know seeing Raj is inevitable pero sana naman ay yung oras na handa ako. Hindi yung ganitong binibigla ako!
"Hey.. pinapawisan ka." Salita ulit ni sir Brent. Hindi ko nga alam kung bakit butil butil ang pawis ko kahit ang lakas ng aircon ng sasakyan nila.
"Ayo-s lang po," sagot ko, utal utal. Nanatili ang mga mata sa akin ni sir Anton habang nakakunot ang noo. Umiwas ulit ako ng tingin at nagpanggap na tumitingin ng mga bill boards sa daan.
"You look like you're not okay, though." Malamig na salita ni sir Anton. Binalewala ko sila at hindi na umimik pa. Mayroon silang pinagtatalunan na hindi ko naman masundan.
Gusto kong magsalita at magdahilan. Gustong gusto ko tumalon sa sasakyan. Ang tanging nagpipigil lang sa akin ay kahihiyan. At saka, nanghihinayang ako sa opportunity na ibigay sa akin. Sabi ko nga, hindi naman maiiwasan na makita ko si Raj. I just didn't imagine that it will happen this fast.
"Did you buy the Pacific air shares?" Tanong ni sir Anton kay sir Brent. "Yes, yes, brother!" He said mockingly. May kung ano siyang pinapanuod sa laptop niya kaya naagaw niya ang atensyon ko.
Hi there guys! Welcome to my vlog. I'm Louise Katerina Zapeda! Blah blah blah
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Lakan. Titig na titig sa kanya si sir Brent habang fineflex ni Lakan ang travel tours niya. Nakitaan ko ng sakit at galit ang mga mata niya na hindi manlang kumukurap kay Lakan na apura ang pagsasalita sa video. Gustong gusto ko magtanong sa kanya pero ayokong pangunahan siya.
"How about-" pinutol ni sir Brent si sir Anton sa pagsasalita halatang nairita. All of a sudden his good mood changed into grumpy.
"Calm down, everything is okay. Chill your t**s, dude. Hindi mawawala ang company ni Bree." Iritado niyang sagot. Bree.. napanganga ako ng marinig ang pangalan ng girlfriend ni Raj. Great! Hindi ko alam na pinasok ko pala ang mundo nang taong iniiwasan ko.
"Tsss, tigilan mo na yan. Not worth it." Iritado din sagot ni sir Anton. Huminga ng malalim si sir Brent. Kumuyom ang kamao niya na binitawan ang Ipad na hawak niya sabay igting ng panga.
"So you mean, Bree is worth it? Stop being hypocrite Anton and mind your f*****g business."
Hala! Nag aaway ba sila? Nagkatinginan sila ng masama habang parehong umiigting ang panga. Nakakatakot. Mabuti nalang at nasa front seat si sir Anton.
Kase feeling ko kung magkatabi sila ay isa na sila kanila ang tumumba. Naguguluhan pa ako kaai hindi ko maintindihan kung normal ba sila nag uusap o nag aaway na.
"Nag aaway po ba kayo?" Hindi ko mapigilan magsalita. Mabilis silang nagkalas ng tingin sa isa't isa sabay tingin sa akin ng masama. Mali! Maling mali na nag salita ako. Pakiramdam ko sa tingin nila ay bubugahan nila ako ng apoy kapag kumibo pa ako.
Oh, oh.. hilaw akong ngumisi at umiwas ng tingin. Damn it! I felt like I crossed the line and I'm being so nosy. Masisisi ba nila ako? Eh naririnig ko sila. Tapos yung driver chill lang na parang walang pakielam. At higit sa lahat.. kilala ko yung taong pinag uusapan nila. So somehow, part of me got curious.
"Gaano tayo katagal pa?" Binasag ni si Brent ang katahimikan. Medyo naipit kasi kami sa traffic. Medyo tumitirik na din ang araw at halata na ang kainitan sa labas.
"Five minutes, sir." Sagot ng driver. Yung kaninang kaba ko ay bumalik na naman. Nawala lang yung kasi naman 'tong kambal na'to pasaway!
"Mag ayos kana, you will note every higlight part of our conversation. Fix my scheds and Raj as well." Salita ni sir Brent tapos binigay niya sa akin yung ipad na kinuha niya sa bag na dala niya.
Napatingin pa ako dun kasi, haler? Yan naman pala gagamitin ko tapos pinagbibit niya pa ako ng notepad at ballpen.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang magarbong hotel. Bumaba na si sir Brent at sir Anton pero nanatili pa ako sa loob. Nag iisip kung paano ako tatakas na makita si Raj.
"Lets go, Gotica." Tawag ni sir Brent kaya napasinghap ako. Sunod sunod na nagbusinahan ang sasakyan sa likod kaya halos malaglag ko ang mga gamit na dala ko sa pagmamadali.
"There is something wrong. You are acting weird." Biglang salita ni sir Anton ng makalabas ako ng sasakyan. Umiwas ako ulit ng tingin kasi parang binabasa niya yung nasa isip ko kahit alam ko naman hindi.
When we entered the lobby. Sunod sunod ang bumati sa kanila na tila ba kilalang kilala na sila dito.
Nag gagandahang chandelier at mga gamit ang nakikita ko. The place looks expensive as well as the people around the place. Napatingin pa ako sa damit ko. It's okay to normal people pero kapag itinabi ako sa kambal at sa mga tao sa paligid ay mukha akong alalay.
"Nasan na siya?" Tanong ni Anton kay Brent na halatang iritado pa din.
"Already there." Matabang na sagot ni sir Brent.
Hindi ko na talaga mahakbang ang mga paa ko sa sobrang kaba. Alam kong nararamdaman nila iyon kasi hindi naman talaga normal ang kilos ko. Ayokong ihalo ang personal issues ko sa trabaho at kung ano man meron ako ngaun pero hindi ko talaga mapigilan na hindi matakot at kabahan. Hello? It's Rajan Duke Esquivel we are talking here. Hindi lang siya basta kilala ko lang from the past. We had past at mayroon kaming anak. Hindi nga lang niya alam.
"Are you sure your okay?" Tanong ulit ni sir Brent.
Ngumiwi ako ng bahagya at umarte na sumasakit ang tiyan. Carry on Gotica! You can maybe run now. But you can't run forever! Siguro. Pero sa ngaun, hindi pa talaga ako handa. Kailangan ko siguro muna ikalma ang sarili ko. It's now or never or I will surely lose this job and opportunity forever!
"Sir, can I go to washroom first?" Tanong ko. Hinawakan ko pa ang tyan ko para magpanggap na may nararamdan ako. I know this is embarrasing at unang araw ko palang sa trabaho ay ganito na ang inasal ko.
"Okay,then. Bilisan mo." He then continued to walk. Mabuti nalang ang may malapit na washroon kung saan kami papasok. Mabilis akong pumunta sa sink at naghilamos.
Why the f**k I can't calm down? Just act normal. Kilala ka niya at ganun din siya. May sariling buhay na siya at ganun din ikaw Gotica! And besides he doesn't even know that he has a son to you! Ano pinaglalaban ko? Paulit ulit ko iyan sinasaksak sa kokote ko.
Pakiramdam ko ay totoong bumabaligtad ang sikmura ko at nasusuka na talaga ako. Inayos ko ulit ang sarili at huminga ng malalim.
The hell! Umayos ka Gotica! Si Rajan lang yan! You can do better in front of him. Ugh! Ginulo ko ang buhok ko. Sino ang niloko ko? Sa totoo lang, kahit ako ay hindi alam ang gagawin kapag nakita ko siya.
Huminga ako ng malalim. Kahit naman magtagal ako dito kailangan ko talaga siyang harapin. Nang maayos ko na ang sarili ay lumabas ako.
Halos lumipad ang ipad na hawak ko ng makita si sir Anton sa labas ng washroom. His both hands were inside his pocket. Napatingin siya sa akin ng makalabas ako.
"Sir," bati ko na naguguluhan. Ano naman ang ginagawa niya dito?
"We need to talk." He said seriously kaya napalunok ako at tumango. Sumunod ako sa kanya na naupo sa may pool area.
Luminga linga pa ako dahil mamaya baka prank lang ito at biglang bumulaga si Raj.
"Raj is not here." Sagot niya ng mapansin ang pagkabalisa ko. Bahagyang napauwang ang bibig ko. Ang kaba ko ngaun ay natriple na hindi ko maintindihan. Magsasalita pa sana ako ngunit pinili ko nalang manahimik.
"I don't know anything about you. Nabasa ko lang din ang profile mo na may anak kana. And for some reason, dito ka nag highschool sa La Soledad where Raj also studied." Salita niya. Mas seryoso pero mas malumanay na ngaun. Titig na titig na naman si sir Anton sa mga mata ko. Does he know na nakaka-intimidate siya?
Para siyang may puzzle na invisible na binubuo at feeling ko ay ako ang sagot sa missing piece nito.
"What's your point, sir?" Sagot ko. Medyo patay malisya pa ako kahit ang totoo ay mas umigting ang kaba ko sa paraan ng pagsasalita at pagtingin niya sa akin.
Nag-igting ang panga niya.
"I've noticed you're acting strange simula nalaman mo na si Raj ang ka-meeting natin. I don't want to be nosy but is there something wrong?" Tanong niyang seryoso. Nanlaki ang mga mata ko. How did he know? Hindi ko mapigilan ang pagkamangha sa kanya. I don't know that he's a good observer.
Ganun ba ako ka-transparent? Tumango ako at huminga ng malalim. There is no point in lying and hiding.
"I know there is tho. You're not hard to figure out." Salita niya ulit.
Hinarap ko siya. Nakitaan ko pa ng gulat ang mga mata niya. Matapang ko siyang hinarap. "Yes. Raj and I had past. And to make it short sir. Siya ang tatay ng anak ko." Sagot ko.
Nalaglag ang panga ni sir Anton at nanlaki ang mga mata. Kumuyom ang kamao niya at biglang tumayo. My God! Hindi pa ako tapos magsalita. May pag kabastos pala kausap tong kakambal ni sir Brent. Kita mo yon!
"Bree rejected me for that liar?" Galit na salita niya. Hindi na niya ako pinagsalita. Lumakad siya ng mabilis kaya napasunod nalang ako sa kanya.
"Sir!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung ano problema niya pero halata na hindi ko siya mapipigilan. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan siya. Hingal na hingal akong hinawakan ang braso niya.
"Sir, hindi alam ni Raj na may anak kami. Na may anak siya. Please don't." Nanginginig ako at halos tumulo ang luha. Nakitaan ko ng awa ang mga mata niya na nakaktitig sa akin. Dumiretso pa din siya sa loob ng restaurant at walang sabing sinuntok si Raj.
"What the f**k?" Sagot ni Raj habang hawak ang panga. Hindi ako makalapit kahit nasa loob na din ako. May mga tao din natigilan at meron din nag alisan.
"Anton ano 'to?" Pag awat ni sir Brent kay Anton na galit na galit.
"Pinaubaya ko siya sayo kasi alam kong hindi niya kayang manakit ng tao. Damn it! You were like a saint to Bree kaya hindi ka niya kayang saktan.."
Napapikit ako at tinakpan ang tainga. Hindi yata tamang sinabi ko sa kanya ang problema ko. Hindi ko naman kasi alam na may ganito pala. Natatakot ako na baka sabihin niya ang totoo.
"What are you taking about?" Sagot ni Raj. Umayos siya at tumayo para magpantay sila ni sir Anton.
"You f*****g asshole! Someone sacrificed her life for you! Nagpapakasaya ka dito habang may sinasagaan ka. Leave Bree, Raj! Kung matalino ka. You will figure things out." Galit na sigaw ni sir Anton. Gustong gusto ko tumakbo sa kanila pero natatakot ako. Natatakot ako na baka ako mismo ang maglabas ng sekreto ko.
"Hindi kita maintindihan." Umigting ang panga ni Raj.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng bumaling sa akin si sir Anton. Kasunod noon ay si sir Brent at si Raj na nanlalaki ang mga mata.
Nakita ko kung paano siya nagulat at nanghina. "Gotica.." he almost whispered. The gentleness of his voice hurts me dahilan para lumuha ako. Tumalikod ako at mabilis tumakbo palabas. Umiyak ako ng umiyak paglabas ko. Naiinis ako sa sarili because I don't feel hatred for him. I only feel longingness and all these years. Mahal ko pa din si Raj.