OUR STRINGS- 19

2058 Words
"We are coming soon," salita ni Raffy. Tinawagan niya kasi ako to ask if we are okay. Halos mag iisang buwan na din kasi simula umuwi kami dito. Wala din ako masyadong kinukwento sa kanya lalo na yung moment na nakita ko na si Rajan. Hindi naman sa ayaw kong malaman nila. Ayoko lang mag isip sila ng kung ano ano. Medyo over acting pa naman sila ni Alice pag dating sa lovelife ko. "When? I told you na okay lang naman kami ni Riley." Sagot ko. Hindi naman kasi nila kailangan umuwi dito para sa amin ni Riley. They've done enough for us for years at okay naman na ako doon. Ayoko naman din kase isakripisyo nila ang buhay at career nila sa Australia. Maganda ang trabaho nilang dalawa ni Alice. Hindi ko alam sa kanila kung bakit pa nila iiwan. Sinabi ko naman sa kanila na okay lang kami ni Riley. But then, like me. They are both stubborn. "Shut up, Gotica! Basta, uuwi kami and it's final no buts." He said authoritively kaya hindi na ako kumontra pa. Napabuntong hininga nalang ako. Wala din naman sense. Mag aaway lang kami at ang ending is uuwi pa din sila. "Okay. Okay." Sagot ko sa kanya. After the call, tinapos ko lahat ng activities ko online para asikasuhin ang inutos sa akin ni sir Brent na mga docs sa Ibanez airlines. Kumain na din ako at nacheck ko na si Riley na mukhang okay naman na wala ako. Ngumuso ako pagkatapos kong lagyan ng bahagyang make up ang mukha ko. Nagsuot ako ng casual attire dahil wala naman talaga ako sanang pasok ngaun. Isang puting fitted dress at doll shoe at tsaka ko nilugay ang mahaba kong buhok. When everything is ready bumaba na ako sa lobby ng condo kung saan ako nag stay. I can't bring Alice car dahil tumirik ito at nasira. "Ma'am five minutes daw po ang taxi." Sabi ng receptionist sa lobby. Plano ko nalang sanang lakarin ang company pero mainit at matatagalan ako. Taxi is cheaper than calling Grab drivers. At minsan ko lang naman gagawin ito. Medyo napagod din kase ako sa dami ng research na ginawa ko. Isabay pa ang mga utos ni sir Brent para sa trabaho ko.  Tumunganga ako. Umupo ako sa reception area and watch all the busy people passing through. Abalang abala ang mga tao sa normal na araw. Naiimagine ko pa nga ang sarili ko, that someday.. I will be like them. Will wear expensive clothes. Will eat at expensive dine in. Will pay by credit cards. Will ride a expensive car. At syempre kasama si Riley sa lahat ng iyon. Hindi naman masama ang mangarap dahil libre naman. Ito din magiging motivation para mag sumikap sa buhay.  "Icai," napatingin ako sa tumawag sa akin at nawala ang ngiti ko. "Raj.." sagot kong pabulong. "What are you doing here?" Tanong ko, medyo pormal. Halos mabali ang leeg ng mga kababaihan na dumadaan habang nakatingin kay Raj na mukhang wala naman pakialam. "Sinusundo kita." Nag igting ang panga niya. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko. His stoic face made me cringed. Parang may kuryenteng naglakbay sa katawan ko sa titig niya. Huminga ako ng malalim at umirap. Napansin ko pa ang paper box na dala niya. Kumalam ang sikmura ko sa amoy ng bagel at mainit na hot chocolate. Alam na alam ko ang amoy nito. Ano ginagawa niya dito? He's gone for some time at natahimik ako nang mga panahon iyon. Bakit siya nandito ngaun? "Hindi na kailangan." Sagot ko sabay tayo. Para akong nanliit ng magtama ang mga mata namin. He's so tall and muscular. His body is hot and firm. Idagdag mo pa na ang bango bango niya. The feeling is so nostalgic. Ganitong ganito kalalim ang nararamdaman kong paghanga sa kanya noon. All his physical appearance and affection that he gave me before. But then, kailangan natin matuto sa lahat. It's hard to care and gave love without label. Hindi ako naniniwala na kayang ibigay yun ng tao na walang inaasahang kapalit. Dahil kahit ako, umasa din. Hindi pwedeng humahanga ka lang at mahal mo. We need to love ourselves too. Sa pinagdaanan ko noong kabataan ko with him. Nalunod ako sa pagmamahal at nilunok lahat ng binibigay niya sa akin. Tinanggap ang nanjan at nasaktan sa kakulangan. "I insist." He said firmly. Umiling ako. Kahit anong gawin ni Raj ngaun ay hindi ko na siya hahayaan saktan ako. "Raj, I understand you. May girlfriend ka ang you two should get f*****g marry! Bakit ba nangugulo ka?" Sagot ko. Kahit pala panatiliin ko na maging kalmado ay lumalabas pa din ang pait sa akin. Pait na hindi na yata mawawala sa akin. I love him and I want him but I know better. Nilabanan ko ang titig ni Raj. Sa huli, ako pa din ang nag iwas. Hindi ko kayang tagalan ang sakit sa mga mata niya. At bakit siya nasasaktan? Hindi ko alam. Sa amin dalawa, dapat ako ang nasasaktan pero mas pinili kong labanan. Pinili kong labanan dahil yun ang kailangan. Bakit nabibigyan niya pa din ako nang ganitong pakiramdam? I feel so guilty. My heart says go to him and touch him. Comfort him. Pero sabi ng utak ko ay matuto kana. You've been through a lot. Hindi mo na kakayanin kapag naulit pa. "I don't know. I just.. when I saw you again," he said, trailed off. Nanginginig ang mga labi niya at mabilis na nag angat baba ang dibdib niya. "Ano?" Tanong ko. "I don't understand either, Icai. Just please please give me a chance. Gustong kong bumalik ka sa buhay ko." He said begging. Nalaglag ang panga ko. Pulang pula ang mga mata niya. Wala akong naramdam kaplastikan sa kanya. All I feel is sincerity and honesty. Ano ang rason niya? Bakit gusto niya pasukin ang mundo ko na sinira niya? Bakit? We are done. At mahabang panahon na ang lumipas. Hindi niya ko hinanap. Bakit ngaun nakita niya ako ay guguluhin niya ulit ako? "Bakit nga? For what? For a friend? I'm your friend, Raj. Just stop bugging me okay?" Pinilit kong ngumiti. Hindi lang ako sigurado kong napansin niya ang kaba ang pait sa ngiti ko. "I love you, Gotica. Noon pa man mahal na kita." He said. Napanganga ako at nanlake ang mga mata. Ilang segundo akong nakatunganga sa harap niya. Ilang segundo kong prinoseso sa utak ko ang sinabi niya. I've been waiting to hear that from him all my life. Pero wala diba? Ang tigas tigas niya. Nang makabawi ako ay ngumiti ako ng mapait. "Stop this Raj." Umiling ako ng paulit ulit. Hindi na niya ako mauuto. Hinding hindi na ako magpaauto sa kanya. But then, his words was a blow for me. Hindi ko inaasahan iyon. I've waited for him to say that forever. Pero ngaun, sakit lang ang nararamdaman ko. May ilang tao ang dumadaan na nakatigin sa aming dalawa. Hindi ko na yun ininda. Pormal naman kaming nag-uusap dalawa. "How could you say that? Nasa relasyon ka! If you are expecting me to be the same Gotica na tanga sayo, I'm sorry Raj. Naka- move on na ako sa ganun." Sagot ko. Nakakaramdam din ng iritasyon. "Wala na kami." Sagot niya ulit. That was another blow for me. Hindi na talaga ako nakasagot. Kung ano man ang rason ay hinding hindi ko itatanong. "I let her go." He said. Kitang kita ko ang sakit sa mga salita ni Raj. "I was so damn asshole to let go of you. I have my reasons why I chose her over you." Nanginig na salita ni Raj. "My life was so f****d up, Gotica. Tama ka naman. I need to man up. Pero hindi mo ako maiintindihan kasi kahit ako hindi maintindihan ang rason ko. Kasi.." tumigil siya at nag iwas ng tingin sa akin. "Kasi ano!" Halos pasigaw kong sabi. "The things you don't know wont hurt you..." sagot niya. Halos matawa ako sa kanya. "Nasaktan na ako. Don't make me feel that pain again Raj. You are toxic to me. Alam mo ba yun? The difference between me and her is that she settled for you dahil nanjan ka at her lowest. Ako? Pinipili kita kahit ubos na ubos mo ako. Pinipili kita kahit hindi ako pinipili mo!" Ang taksil kong luha ay tumulo na naman at ayaw paawat. Naiirita ako sa kanya at sa mga rason niya. Naiirita ako sa kanya kasi mahal ko pa din siya. Naiirita ako kasi mahina ako pag dating sa kanya. Nagulat ako ng yakapin ako ni Raj ng mahigpit. Humagulgol ako ng iyak sa kanya. Hinayaan ko na maramdaman siya ngaung dinudurog na naman niya ako . "Ugh, ma'am nanjan na po ang taxi." The receptionist interrupted us. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at tumakbo palayo kay Raj ng hindi siya tinitignan. He is so unfair! Matamlay akong nakarating sa Ibanez's. Inayos ko pa din ang mga dapat kong gawin. Si sir Anton kasi ay nasa resort nila at duon nanatili nitong mga nakaraan araw. Kami lang ni sir Brent ang nagtutulong sa mga dapat gawin ni sir Anton habang wala siya. Mahal ako ni Raj? Paulit ulit tumakbo iyon sa utak ko. Hindi niya ba alam na mas lalo lang niyang ginulo ang sistema ko? At kahit ayaw kong isipin, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gabi na ng matapos ko ang mga inutos sa akin dahil minsan ay natutulala ako. Pinilig ko ang ulo ko at pilit na binalik sa normal ang sarili. If Raj is not with Bree anymore, broken siya? Dissapointed akong napabuntong hininga. Lumalapit siya ulit sa akin kasi sira siya. How could he do that to me again?! Nilalapitan niya ako so I can fix him and he could break me again. Imbes na maawa ay nakakaramdam ako ng galit. Nilalapitan lang ako ni Raj for his fall back, rebound. Nakakairita! Mabuti nalang at natutunan kong maging matigas pag dating sa kanya. Pero hindi ko itatanggi na nasasaktan ako kapag tinatanggihan ko siya kasi mahal ko pa din siya. I've always dreamt to fix Raj whenever he's broken. To love him even if he didn't love me back. Ganun ako kabaliw sa kanya. Ganun ko siya kamahal noon. Na kahit ubusin niya ako ay napapatawad at tinatanggap ko siya without hesitations. Things changed because of Riley. I can't see Raj being a man. Hindi siya iyon. How can he love again when he just lose something that he loved for a long time? Bakit kaya niyang lumundag agad sa akin pagkatapos sa iba? Thinking of that hurts me so badly. Ganun lang talaga ako sa kanya. I can never be the girl he can be proud  and show around. Kaya tama lang na tanggihan ko siya. "Alis na ako," salita ko sa mga staff sa office at nagtanguan sila. Wala naman nagsalita at abala sila sa mga ginagawa nila. Tulala na naman akong sumakay ng lift pababa ng building. I was planning to go to Riley now because I need his hug. Pumara ako ng taxi. Medyo matagal ang byahe dahil rush hour. Excited pa akong napangiti habang tinitignan ang mga drawing sets na binili ko sa anak. "Ano pong nangyari?" Tanong ko sa driver ng huminto ito sa gate ng subdivision. "Nasiraan po ako." Sagot niyo sabay kamot ng ulo. Malas naman! Pero dahil malapit nalang din ay hinayaan ko nalang. Bumaba ako sa taxi. Nagulat pa ako ng mag-ring ang cellphone ko galing sa hindi kilalalang numero. "Hello?" Sagot ko. "Surprise!" Sigaw ni Alice ang umalingawngaw sa kabilang linya. Nagulat ako. Nandito na sila? "Nasan ka? Pupuntahan ka namin sasama namin si Riley." Sabi niya. Naririnig ko pa sa kabilang linya ang pag aaway ni Riley at Raffy kaya napailing ako. "Nasa gate naglalakad nasiraan taxi." Sagot ko. "Oh, don't go here. Sunduin ka namin jan we will eat outside." Mabilis na salita ni Alice. Hindi pa ako nakakapagsalita ng binaba niya ang tawag. Ngumuso ako. Somehow being with them gave me peace. Ilan minuto akong naghintay ng may humintong sasakyan sa harap ko. Nanlake ang mata ko ng makita si Raj ito kasama ang mommy niya na nanliliit ang mga matang nakatingin sa akin. Kabang kaba ako. And then, kitang kita ko ang sasakyan ni Raffy paalapit sa amin. Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD