OUR STRINGS- 24

2130 Words
Madaling madali ako maglakad ng mag-park siya sa entrance ng Ibanez builing. Hindi pa man niya na-aabot ang susi ng sasakyan niya sa valet ay lumabas na ako sa sasakyan. He even murmured something and chuckled kaya mas lalo ako nairita. Huminahon lang ako ng makapasok ako sa lobby ng building. The place seems busy kaya nakahinga ako ng maluwag. "Huy girl!" Salita ng receptionist na nag-assist sa akin nung unang araw ko pumasok dito. Napatingin ako sa kanya. Humaspas ang maalon niyang buhok dala ng pagtakbo patungo sa akin. "Hi, bakit?" I asked her. Tinagilid pa niya ang ulo niya sabay marahan akong hinampas sa balikat. "Ikaw ha! Ganda mo te! Boyfriend mo ba si sir Rajan?" Tanong niya. Halatang halata ang kuryosidad at pang-iintriga sa mukha niya. Mabilis akong umiling ng paulit ulit sa kanya. Hindi naman ako magtataka kung ganoon man ang naisip niya. Ilan beses naba ako kinaladkad ni Raj sa building na ito. "Hindi ah!" Mabilis kong sagot. Tumaas ang kilay niya sa akin at mukhang duda pa sa sagot ko. "Sus! Ikaw ha..pa- showbiz ka!" Ang laki ng ngiti niya pero halata sa kanya na ayaw niya maniwala sa akin. Mayroon pa sana akong sasabihin ng tawagin siya ng general manager at pagalitan. Mabilis siyang bumalik sa pwesto niya. Nagkatinginan lang kami. Hindi ko alam kung bakit siya nakangisi sa akin. "Lets go." Halos mapalundag ako ng hapitin ni Raj ang beywang ko at alalayan maglakad. Hindi ako makagalaw. Boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng hapitin niya ang beywang ko. "Ano ginagawa mo?" Tanong ko at nagsimulang maglakad. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa ilang. Kung kanina ay walang pumapansin sa akin ay biglang nasa akin na lahat ng atensyon ng mga tao sa paligid. Ugh! Talagang ipapahamak ako ng lalake na ito! "Holding you. Why?" Inosente niyang sagot. Napatingin ako sa kanya ng masama ng bumukas ang lift. Wala siya talagang pakialam kahit pag pyestahan na kami ng tao sa paligid. "Hindi ko kailangan." Sagot ko ng makapasok kami. Mabuti nalang at kaming dalawa lang ang sakay ng lift. Hindi ko na yata kakayanin kung mayroon tao doon. Panibago na naman struggle iyon para sa akin. "I know.. pero kailangan ko." Sagot niyang seryoso. Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya. He smirked and shrugged. Hindi na ako nakapagsalita. Lately, mayroon mga sinasabi si Raj na hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Sa huli, ako pa din ang talo dahil natatameme ako. Nang dumating kami sa floor kung nasaan ang office ni sir Brent ay medyo nakahinga na ako ng maluwag. Ito na yata ang pinaka- private na lugar dito sa building. Naiisip ko nga na bakit nandito palagi si Raj? I know he has something to do here but being almost here all the time is unbelievable. "Goodafternoon." Bati niya ng bumungad sa amin si Sir Brent kasama si sir Anton at dalawang lalaki. Nakataas agad ang kilay ni Sir Brent sa akin habang balik balik ang tingin niya sa amin ni Raj. "Uh, good- afternoon sir." Sagot ko na medyo nauutal pa. Umiwas din ako ng tingin dahil lahat ng tao doon ay naka-focus sa amin dalawa. Nakakairita pa dahil mukang wala naman pakialam si Raj sa kanila habang ako dito ay nag-struggle pa. Umupo ako sa tabi ni sir Brent habang hawak ang Ipad. Dinig ng lahat ang buntong hininga ni Raj. Mabilis na napatingin sa akin si sir Brent habang nakangisi. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan. Nagsimula na ang meeting nila. Halos lahat ay seryoso at halatang propesyonal. Tahimik akong nakikinig habang nag nonotes ng importante detalye ng meeting. "Can we have coffee?" Biglang sabi ni sir Anton kalagitnaan ng meeting sabay  tingin sa akin. Mabilis akong tumayo dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin. "No need. Oorder nalang ako sa starbucks." Biglang sabi ni Raj. "Save that for later. Gotica can make coffee. And besides it will take time, Raj."salita ulit ni sir Anton. Balik balik ang tingin ko sa kanila ni Raj. Pinagkrus ni sir Brent ang braso niya. Damang dama ko ang tensyon sa paligid kaya hindi ako makapagsalita. Hindi ko din alam kung magtitimpla ba ako ng kape o patuloy nalang na tutunganga sa harap nila. "Nah, They will bring it just in time. Kapeng kape ka naba?" Sagot ni Raj kay sir Anton. Kita ko kung paano kumuyom ang kamay ni Sir Anton at pag igting ng panga ni Raj. "Relax boys. It's just coffee. Talagang mag dedebate pa kayo?" Singit ni sir Brent. Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga. "Make us coffee please." He said to me. Tumango ako sa kanya ay dumiretso na sa pantry. Kahit nakita ko na masama ang tingin sa akin ni Raj ay binalewala ko nalang. Bakit siya nagagalit? Trabaho ko ito! Nang matapos ako magtimpla ay seryoso pa din sila sa meeting nila. Marahan kong binigay ang kape isa isa sa tapat nila. Nang turn ko na ibigay kay Raj ang kape ay napahinto ako ng hawakan niya ang beywang ko. "Napagod kaba?" He said. Natigilan ako at napapikit ng mariin. Pati si sir Brent na nagsasalita ay biglang natahimik. What is he doing? Hindi na naman ako makagalaw. Napatingin ako sa kanila na lahat ay nakatingin sa akin. Alam ko na pulang pula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. "I'm sure she's fine. Wag ka ngang over acting. She just made coffee." Si sir Anton sagot kay Raj. Narinig ko ang mahinang tawa ni sir Brent. Masamang tumingin si Raj kay sir Anton. Nagtama ang paningin namin ni sir Anton at kumindat lang siya sa akin. "You may seat now, Gotica." Si sir Brent tawag sa akin. Sobra sobrang kahihiyan ang nangyari sa akin. Tumango ako sa kanya. Kahit nabato na yata ako sa pwesto ko ay pinilit ko pa din mag karoon ng lakas pabalik sa pwesto ko kanina katabi si sir Brent. The meeting went well and smooth. Kahit dama ko minsan ang sagutan ni Raj at sir Anton ay makikita mo pa din na propesyunal sila. Basta magkasama si Raj at sir Anton sa isang kwarto. Siguradong mabigat ang atmosphere. I can't blame the both of them though.  Hindi maganda ang nakaraan nila sa iisang babae at na kay sir Anton na ito ngaun. Hindi pa din umalis si Raj. Gustong gusto ko siya tanungin kung bakit nandito siya ay hindi ko magawa. Wala ba siyang trabaho sa company nila? Simula yata nalaman niya na nandito ako ay halos nandito na siya naglagi. May files na pinaayos sa akin si sir Brent kaya doon ako naka-focus ngaun. Nag pop ang project ko sa isang subject na submission na bukas. Hindi ko pa ito natatapos dahil nahihirapan ako. Ngumuso ako at tinitigan ito. Sinimulan ayusin ulit. Naisantabi ko nga ang utos ni sir Brent dahil dito. Its pressuring and stressing me out. "You are doing it wrong." Raj husky voice echoed. Halos mapalundag ako sa gulat. Palagi nalang niya ako ginugulat. Sometime.. hindi na ako magugulat kung magkakaroon ako ng biglaang sakit sa puso dahil sa kanya. "What are you doing here?" Mahinang sabi ko sapat na para marinig niya. Mabuti nalang at sa kwarto sila ni sir Brent nag lagi kanina. Ano ginagawa niya ngaun dito? " Checking on you.." he said. Nanatili ang mga mata niya sa task ko na kailangan na bukas. "Obviously I'm okay. Bumalik kana dun." Mataray kong sabi. Bumuntong hininga siya at tumayo ng matuwid. "Why are you so hard on me? I just miss you baby.." he said and turned his back to enter sir Brent's room. Tumunganga ako sa tapat ng laptop ko  at sa files ko pagkatapos niya sabihin iyon. Hindi yata maganda ang epekto sa akin ni Raj dahil nawala ako sa lahat ng ginagawa ko. Ugh! Lumipat ako ng pwesto para mag-focus sa files muna. Sinabi kase ni sir Brent na kailangan niya iyon mamaya so kailangan ko iyon tapusin. Medyo madilim na sa labas at malapit na ako matapos. Iniaangat ko pa ang dalawang kamay ko at tsaka nag inat. Tahimik na ang buong silid. Hindi ko din alam kung nadito paba silang dalawa o ako nalang. Pasado alas otso na ng matapos ako. Inayos ko lahat ng files at tinapos isend sa email ni sir Brent. Nilagay ko ang hand written report ko sa ibabaw ng table niya para makita niya bukas o kailan siya pupunta dito. Sabado kase bukas at wala akong pasok. Uuwi ako kay Riley ngaun. Napansin ko ang ilaw sa conference room. Napanganga ako ng makita si Raj na nakadukdok sa table habang nakatapat sa kanya ang laptop ko. He is peacefully sleeping. Napatitig pa ako sa sobrang amo ng mukha niya. Ayan na naman ang puso ko. Wala pa siyang ginagawa ay patuloy na ang pagwawala. Tinignan ko ang laptop ko at chineck kung ano ang ginawa niya. Nanlake agad ang mga mata ko ng makita na tapos na ang task ko na kailangan ko ipasa bukas. I checked everything at hindi ko maiwasan mamangha because it was done properly and amazing. Tama lahat ng sukat. Lahat pa ng ginamit na formulas ay naka-encode lahat. Masyadong perpekto at malinis ang pag kakasagot at pagkakagawa. He did this? Napatingin ako kay Raj na payapang nakatulog. Nakaramdam din ako ng guilt dahil sa pagiging malupit ko sa kanya. He is trying. Ramdam ko iyon at nakikita. Hindi naman ako manhid at tanga. Pero kase.. natatakot ako. Natatakot ulit ako na papasukin siya sa buhay at sistema ko. Ayokong mawala sa focus. I want to grow and be the ideal girl for him if ever. Kung may standards ako for him to deserve me. Gusto ko din maging maayos ako at maging karapatdapat to deserve him. Nagligpit ako ng opisina bago umuwi. Hinayaan ko pa si Raj na matulog saglit. Kumalam na din ang tyan ko dala ng gutom. Pasado alas nyube na ng gabi ng pagpasiyahan kong gisingin si Raj. Hindi ko din naman kaya na iwan nalang siya dito basta basta. "Raj.." marahan kong tawag sa kanya. Bahagya siyang gumalaw pero hindi dumilat ang mga mata. Inulit ko ulit ang pagtawag hanggang unt unti niyang dinilat ang mga mata niya. Ganito pala itsura ni Raj kapag bagong gising. He looks so nice and innocent. "I'm sorry." Una niyang sabi. Nilinis niya ang mga mata niya gamit ang daliri. Ginalaw niya pa ang leeg niya  at pinatunog. Halatang halata ang pagod sa kanya pero ganun pa man, he still looks handsome and attractive. Ngumuso si Raj at pumangalumbaba sa desk. "I'm hungry." Salita niya. Para siyang bata na nagrereklamo ay kailangan pakainin. Hindi ako nagsalita pero kumulo ang tyan ko tunog gutom na gutom na din. Nagkatinginan kami ni Raj. Hindi ko maiwasan matawa dala na din ng kahihiyan. "You don't need to say it baby.." malambing niyang sabi sabay tayo at ayos ng sarili . "Kanina kapa tapos?" He asked ng patayin ko na ang mga ilaw sa office. Tumango lang ako sa kanya. He is watching all of my moves kaya medyo naiilang ako. "Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya. "Kase mukhang pagod na pagod ka." I answered him. Nakita ko ang pagngiti niya. "And you waited for me." Sagot niya na mukang masayang masaya. Umirap nalang ako habang nangingiti sa kanya. Sumakay kami sa lift. Medyo gabi na din naman kaya alam kong wala ng masyadong tao sa baba. Hindi ko na siya sinagot. Yumakap si Raj si beywang ko kaya napasinghap ako. He then leaned his head on my shoulder. Medyo napayuko pa nga siya dahil ang tangkad tangkad niya. "You smell good. I'm hungry. Lets eat." Malambing niyang sabi. Kinilabutan ako sa boses niya na puno ng paglalambing. " Okay. Pagluluto ulit kita." Sagot ko nalang. Alam ko naman kase na kapag pumayag ako ay sa labas kami kakain. Kapag hindi naman ako pumayag ay hindi niya ako tatantanan. As if that I have a choice. "You still have the energy to cook? O kinakahiya mo ako?" Humiwalay siya sa akin habang masama ang tingin. Umirap ako sa kanya. "Ofcourse I still have. Ano ba mahirap na ginawa ko?" Sagot ko. Binalewala ko na yung kinakahiya ko siya dahil kahit ano sabihin ko ay hindi naman niya maiintindihan. "Okay then." He said. Naguguilty na naman ako dahil tunog nagtatampo na naman siya. "Ano.. thank pala sa pag sagot sa task ko." I said suddenly. Malaking bagay kase sakin iyon. Hindi lang naman kase iyon ang mga task na gagawin ko for school. Lumapit sa akin si Raj. He suddenly pulled my nape and kissed my forehead. "That's nothing. I will do everything to help you. It's all for you, Icai." Natulala ako sa kanya hanggang tuluyan ng bumukas ang lift.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD