"Mommy, wake up!" Dahan dahan kong minulat ang mga ko dahil sa gising ni Riley. Wala na si Raj sa tabi ko marahil ay pumasok na sa opisina. Lately ay tanghali ako nagigising kahit ayaw ko naman. Minsan nga ay hindi pa ako nakakapasok sa online class dahil mabigat ang pakiramdam. Tinatambakan tuloy ako ng mga task na si Raj madalas ang gumagawa. "One minute, Riley." Tamad kong sagot sa anak sabay pikit ulit ng mata. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ng anak. Bumuntong hininga ako at dinilat ang mga mata. Ayoko kasing nafufrustrate si Riley. Hindi siya nagseselos sa magiging kapatid niya pero ayokong maramdaman niya na hindi na siya ang priority ko. "Eto na gigising na ang mommy." Ngumiti ako at niyakap ang anak. Niyakap ako ni Riley at tsaka pinaghahalikan sa pisngi. Panay a

