"You've kept that for ages. Why do you need to sell it now?" Tanong ni Raffy sa akin. I smiled at the Burj Khalifa statue that I'm holding now. Ibinenta ko kasi ito kay Lakan para sa birthday ni Riley ngaun at para ibili ng ticket niya pauwi ng Pilipinas.
I sadly looked at this poor statue. Aside from my son, itong statue na ito ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko. Bumuntong hininga ako at umiling. I can't forever keep the memory of him. Dapat ay burahin ko na siyang tuluyan sa sistema ko. Pero sino ang niloko ko?
Tumingin lang ako kay Riley ay siya ang palaging nakikita ko.
Besides, hindi ko na ito madadala sa Pinas dahil medyo malaki din ito.
"It's okay. Kailangan, e." I told him. Bumuntong hininga si Raffy sa akin. Kailangan ko din bayaran ang last payment ng apartment ko. Bukod sa hindi na umuuwi dun si Alice dahil kay Jace na siya nakatira. Ganun din si Raffy dahil malayo ang trabaho niya.
Nakakahiya naman kung iaasa ko pa sa kanila iyon.
"We can help-" hindi na natapos ni Raffy ang sasabihin niya ng pinutol ko ito.
"I told you. I'm fine at madami na kayong naitulong sa akin. I don't even know when can I repay you and Alice pero sobrang salamat sa inyo. And besides, it's just a statue anyway."
Tinignan ako ni Raffy with his suspicious eyes. "This is not your farewell speech right?" Nakakunot ang noo niya.
Tumawa ako. "Hindi noh!"
Pagkahatid ko sa bahay ni Lakan ng statue, bumili kami ng cake at malaking lobo na number four dahil 4 years old na si Riley. Umorder lang din ako ng ilang pagkain at inumin. Wala naman akong masyadong bisita. Sila Alice lang din at ilan naging kaibigan.
Malaki ang ngiti ko habang kinakantahan namin si Riley. Natatawa pa ako dahil mangiyak ngiyak pa si Alice.
Nagresign din si Alice at Raffy sa trabaho para umuwi ng Pilipinas at samahan kami ni Riley.
Kasabay ng birthday ng anak ko ay despidida namin dahil bukas na ang flight namin.
Nung una nga ay pinagtalunan namin ni Alice ang desisyon ko pero nagpumilit ako. Bukod sa magandang opportunity ito para mag grow ako ay kasiguraduhan nito ang magandang future ni Riley. Sa huli, pinagbigyan nila ako at pinili nalang na supportahan.
Takbo ng takbo si Riley at tuwang tuwang binubuksan ang mga regalo sa kanya.
"Mama! Look may airplane!" He said happily. Tumango ako sa kanya at lumapit. "Wow, it's cute. Who gave you that?" Tanong ko.
Kinuha ko pa ang balot para basahin kung sino ang nagbigay. Nanliit ang mata ko kay Raffy na ngaun ay nakataas ang kamay.
"What to do? Support his dreams right?" Bungad ni Raffy sa akin. Kinuha ko ang shot glass na hawak niya at mabilis itong nilagok.
"Thank you." Tanging nasabi ko. Wala naman talagang masama. Sadyang bitter lang siguro ako kay Raj kaya ayokong nakakakita ng mga bagay na may koneksyon sa kanya.
But then, Raffy was right. Kung iyon ang gusto ni Riley, sino ako para bawalan ang anak kong mangarap dahil lang sa bitter ako.
Nang alas otso na ng gabi ay halata na ang pagod ni Riley kahit madami pang bisita at nag-iinuman ay pinasok ko na siya sa kwarto niya para linisan at patulugin. Hiniga ko si Riley sa kama at hinaplos ang mahaba niyang buhok.
"Gotica Dior, Gatchalian! You are so wanted outside!" malakas na sigaw ni Alice.
"Mama.. They're noisy.." ngumuso ang anak kong si Riley. Itinaas ko ang comforter hanggang leeg niya.
"I will make them leave. Sleep kana baby.." sagot ko.
"No. Let them stay. Diba po despedida nila ito for you? We're leaving tomorrow, mama. You go there. I'll sleep now."
Tumingin ako sa anak at sa huli ay bumuntong hininga. He's growing too fast. I'm scared that he might leave me too. Ayokong iwanan din ako ni Riley. He's my life.
Ang totoo, natatakot ako sa kung anong mangyayari sa amin sa Pilipinas. If we stay here, it's safe and nothing to worry. Pero, kung hindi ako susugal at susubok, paano ako tatayo mag isa? Hindi naman din habang buhay nandito si Alice at Raffy. Soon, magkakaroon na sila ng sariling pamilya para maging priority nila.
And besides, going back to Philippines is inevitable. Hindi ko din naman gusto na habang buhay kami dito.
Hinalikan ko ang noo ng anak. "Are you sure?" tanong kong nag-aalala. Over protective ako sa anak ko at ayaw kong maramdaman niya na hindi siya ang priority ko.
"Yes mama. I'm a big boy na!" he said. Bit annoyed. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa sinalita ng anak. He looks like his father.
"You're just four, baby.. I don't want you to grow fast. I want you to stay this way."
"But I want to grow fast.. I want to protect you and help you mama. You really look tired."
Parang may nagbara sa lalamunan ko. Paano ito nasasabi ng isang apat na taon na bata? Nagsisikap ako para buhayin at maibigay ang pangangailangan niya. Hindi naman ako nagkulang sa kanya sa pagmamahal kahit abalang abala ako sa pagtatrabaho.
"I won't get tired. Ikaw ang lakas ko Riley. You sleep. Maaga pa ang alis natin bukas." umiwas ako ng tingin at hindi pinahalata ang pamumula ng mga mata ko.
"Okay. Enjoy the night mama. Yabyu." salita niya tsaka pinikit ang mga mata. Ang bigat ng pakiramdam ko habang titig na titig sa anak.
Bukas ang balik namin sa Pilipinas. Paano kung makita ko doon ang papa niya? Paano kung itakwil niya ang anak ko? Iniisip ko palang ay parang nawawasak na ako. I won't let that happen to my son. Nabuhay kaming dalawa at mananatili kaming dalawa lang.
His father has a girlfriend. Yun ang huli kong balita. Nasa Seattle siya nakabase ngaun kasama ang kasintahan. Sinarado ko ng marahan ang pinto ng kwarto niya. Halos mapalundag pa ako ng bumungad si Alice sa akin na halatang lasing na.
Inikot ko ang mata ko sa paligid. Si Jace at Raffy ay napatingin sa akin. Nang magtama ang mata namin ni Raffy ay nag igting ang panga niya sabay iwas ng tingin.
"Ang tagal mo!" salubong sa aking ni Alice. Maingay ang sala ng pad ko at biglang sumakit ang ulo ko sa dami ng kalat.
"Pinatulog ko si Riley. Ang ingay mo." sagot ko sabay dampot ng mga bote ng alak sa sahig. Kita ko ang mga kaibigan na talagang lasing na at wala sa katinuan.
"Nako naman Icai, aalis ka na nga ang sungit mo pa din. Hindi mo ba ako ma-mimiss?" madramang salita ng kaibigan. Umirap ako sa kanya at umiling kaya natawa siya.
"Susunod ka naman. Why would I miss you?" sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa.
"That's the thing. Kung hindi ko lang kayo mahal ng inaanak ko ay hindi ko iiwanan ang buhay ko dito sa Australia."
Umirap nalang ako sa drama ni Alice. I told her that we're going to be fine pero hindi ko siya mapigilan. Well.. Hindi ko naman siya masisisi dahil halos magkapatid na ang turingan namin at anak ang turing niya kay Riley.
"Plano mo ba sabihin sa tatay niya na may anak kayo?" biglang salita niya na ikinatigil ko.
"Wala akong plano." sagot ko at umiwas ng tingin.
"Sure, Icai. Ipagkait mo ang magandang buhay para sa anak mo. First born ng Esquivel si Riley. Damn.. His father is a CEO of an airline."
"I can give Riley his needs. Hindi ko siya kailangan." sagot ko. Ayokong isipin nila na pera lang ang habol ko kaya ko ililitaw si Riley. And besides.... Hindi nga niya alam that Riley is even existing!
"Ikaw hindi. Pero ang anak mo ay kailangan siya. Wake up Gotica! Hindi kapa ba nakaka-move on kay Rajan?"
Napatingin ako sa paligid at pinanlakihan siya ng mata. "Shhh.. You're drunk, Alice! Go home." salita ko.
Walang nakakaalam na si Rajan Duke Esquivel ang ama ng anak ko. He's a high profile business tycoon and a monster in the industry.
Believe me, sobrang proud ako sa kung ano man ang narating niya. I don't blame him for anything kasi hindi naman niya ako pinaasa. Sadyang sarili ko lang ang pinaasa ko at umasa.
I was his big secret. I'm always his secret. Ayokong guluhin ang maayos na buhay ni Raj. I know my son deserves to know his father pero hindi ako handa. Hindi ako handa sa pwedeng mangyari kapag nangyari iyon.
"Oh... You don't want the Duke to meet the Prince Riley? Bala ka jan!" iritable na umiling si Alice at tinalikuran ako.
Ilan taon akong lumayo at nagtago. But now... Handa naba talaga akong bumalik? Tinakasan ko siya pero hindi ko siya matatakasan habang buhay dahil si Riley ang nag uugnay sa amin dalawa. Kahit tumakas ako, Riley is our strings.
But then.. Maybe, I really want Rajan to meet our son. Hindi ko man mabigyan ng pamilya ang anak ko, gusto ko man lang tanggapin siya ng ama niya. Nothing at all. Yun lang.
Pero siguro.. Mas ayos na kaming dalawa nalang ni Riley. I can handle the pain. Pero hindi ko kayang ang anak ko ang masaktan kung sakali.
"I'm gonna miss you," salita ni Raffy ng papasok na kami sa airport. Halos nakapikit pa si Alice sa gilid na halatang hinablot nalang nila kama.
As much as I want the drama. Hindi ko iyon pinakita sa kanila. Ayoko kasing sabihan nila na nag iinarte ako kahit ako naman ang pumili nito.
Ngumuso ako kay Raffy." You'll be there in a few weeks. Wag ka nga." I chuckled. Walang nagbago sa itsura ni Raffy. He looked so miserable.
"Still," bumuntong hininga siya. Lumapit siya sa akin. Napaatras pa ako ng hawakan niya ang batok. But then, he still able to kiss me sa lips. Nanigas ako sa kinatatyuan at pansamantalang nagwala ang puso.
I've been kissed long time ago this isn't new pero iba pala ang pakiramdam. I never dated anyone or entertained anyone when Riley came into my life. It feels, ugh!
Yumuko ako dahil alam kong namumula ang pisngi ko.
"Mag iingat kayo. See you soon." Sagot ko ng hindi na siya o sila tinignan.
Riley's expression when he saw a real plane was priceless. Kahit matagal ang naging byahe ay hindi siya natulog. Literal na inaral niya ang itsura sa loob ng eroplano.
Hila ko ang maleta namin ni Riley habang nagtatalon siya sa loob ng airport at tuwang tuwang tinatanaw ang lugar.
"Riley, behave." Saway ko sa anak na hindi mapigilan. Tuwang tuwa siya sa buong lugar kahit wala naman kakaiba at nakakatuwa.
Inupo ko si Riley sa waiting area para bumili ng pagkain niya. Hinihintay ko pa kasi ang driver nila Alice. Doon kasi muna kami tutuloy at doon ko iiwan si Riley kasama ang matagal na nilang kasambahay.
Umorder ako ng dalawang burger at inumin para sa amin. Nataranta pa ako ng bahagya ng mahulog ang wallet ko. Bumaling ako sa anak na tahimik na nagmamasid.
"Ito po ang bayad." Sabay abot ko ng pera. Bigla akong napalundag ng bigla ko marinig ang iyak ng anak.
Pagbaling ko sa kanya ay nakita ko siyang nakadapa sa gitna at umiiyak. Mabilis sana ako lalapit sa kanya ng may isang lalaki na may dalang maleta ang yumuko para itayo siya.
Nanlamig ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw ng makita ko si Rajan ito.
"Are you okay?" He asked Riley. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito.
Tumango si Riley ng sunod sunod. Malaki ang ngiti ni Raj at marahan hinaplos an buhok ng anak ko.
"Where's your mom?" Tanong ni Raj. Gusto ko man tumakbo dahil sa takot ay hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko.
Nakakatitig si Riley kay Raj. "Thank you, sir. But I will go back where she left me. She just buy our food."
Kumunot ang noo ni Raj. Titig na titig siya sa anak ko at ti-nap ang ulo.
"Okay. Careful next time." He said. Nakita ko pang nagdadalawang isip siyang iwanan si Riley.
"Go sir. I'm fine. I'm a big boy na." Sagot ni Riley. Natawa pa si Raj at umiling. "I can see that. You are so smart."
Tuluyan ng umalis si Raj habang ako dito ay mahihimatay na yata sa sobrang kaba.
"Mama!"Riley shouted. Mabilis siyang tumakbo sa akin at nakangiting kinuha ang pagkain kong dala.
God! Welcome back to us, right?